"Uy, Bea!" sabay marahan siyang itinulak ni Perla nang mapansin niyang nakatitig lang ito sa binatang kaharap. "Ha? ano nga kasi ulit iyon?" aniya at ngumisi lang si Aldrin. "Aminin mo nga, pinagnanasaan mo si Papa P sa isip mo noh? ini-imagine mo siguro na wala siyang suot na pang-itaas ngayon, pagkatapos maskulado yung katawan niya at may six packs abs, 'di ba?" bulong ni Perla sa tenga nito na ikinagulat naman niya. "Ano bang sinasabi mo, Perla? baka nga ikaw pa 'tong nag-iimagine sa kaniya ng ganiyan." Mahinang tugon niya sa dalaga. "Excuse me, kung si Mr. Yummy 'yan ay baka hindi lang iyon ang iimaginin ko." Anito ng may pagtaas ng isang kilay. Napangiti lang si Bea at umiiling ng kaniyang ulo. "Uy, ano na? kanina pa siya naghihintay sa'yo. Balutin mo na ang lahat ng iyan!" ang

