"Excuse me first. Oorder lang ako ng makakain natin." Ani ni Robin kina Abby at Stephen, siyaka na siya umalis. "May ketchup nga pala dito, gusto mo ba?" ang sabi naman ni Aldrin kay Bea at inaabutan niya ito ng ketchup na pansasaw sa french fries nito. Tahimik namang nakatingin si Stephen sa dalawa, ganoon na rin si Abby na may pag-guhit ng ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan niya ito. "May nakapagsabi na ba sa inyo na bagay na bagay kayong dalawa?" biglang sabi niya na ikinagulat naman ng dalawa at napatingin sa isa't-isa. "Hindi ba, Stephen?" aniya sabay lumingon siya sa ginoong nakatingin kay Bea. Sandali rin namang napasulyap ang dalaga sa kaniya, subalit iniwasan lang niya ito ng tingin at napatango ng ulo. "See? kahit siya ay agree rin. Walang halong biro, talagang baga

