EVEN before I learned the meaning of the word love, Sean Carlos Adriano was my favorite person.
My first crush.
First love.
First dance.
First kiss.
Until he became a monster and trapped me on a lifetime torture called marriage.
Are you curious if he's hurting me? Oo at hindi. Physically? A big no. Ni minsan hindi pa niya ako nagawang saktan. In fact, he has never even touched me after our marriage. Not once for the past 8 years. Malimit siyang galit at mainit ang ulo but he never laid a hand on me.
We knew each other since our childhood days.
Mas matanda siya sa akin ng limang taon. Anak siya ng ninong Enrico namatalik na kaibigan ni daddy.
I remember the very first day we met. He said I was pretty and that he loves. So, I told him back that when I get older, I'm going to marry him. Which eventually happened.
And little did I know that my wedding day will be the beginning of my life in hell.
If only I could go back to that day. I would've chosen to run away.
If only...
"SWEETHEART, shall we go now?"
Narinig kong tanong ni Sean.
Matipid akong ngumiti at tumango. Inabot ko ang kanyang kamay na nakalahad sa aking harapan at marahang tumayo.
"You look stunning sweetheart!" puri niya sa akin.
Naaninag ko ang pagsamaba sa kanyang mga mata. The same way he's been looking at me ever since I can remember. In other circumstances baka kinilig pa ako at nahalikan ko pa siya.
Pero hindi na ngayon, nasanay na ako sa mga papuri at paglalambing niyang hindi ko alam kung totoo o hindi.
The emotions in his eyes were very evident pero hanggang doon nalang iyon.
Sinipat ko ang aking sarili sa nadaanan naming salamin.
Tonight, we are attending a birthday party of one of Sean's business associates at the same time ninong din namin sa kasal.
I chose to wear my spaghetti strapped silver sequined dress. I partnered it with the same colored sandals na regalo sakin ng aking asawa noong nakaraang anniversary namin.
Samantalang si Sean naman ay nakasuot ng kulay itim na tuxedo. He is exuding both male elegance and beauty.
Matangkad din ito. Sa taas nitong anim na talampakan, agaw pansin talaga ito kahit saan magpunta.
Madalas din siyang mapagkamalang artista o di naman kaya ay basketbolista. Alaga din sa ehersisyo ang katawan nito.
Dati ay sabay kaming nagpupunta sa gym. Ngunit nang kinalaunan ay nagpasadya ito ng gawa sa bahay.
Ang dahilan nito, upang hindi na daw kami kailangang lumabas pa. For all I know hindi nito nagustuhan ang paglapit sa akin ng isa sa mga baguhang instructor doon sa dating pinupuntahan namin.
He is very possessive when it comes to me.
Sa mata ng lahat, marahil ay normal lang iyon dahil asawa niya ako at dahil ang alam nila ay mahal na mahal ako ng asawa ko.
But in my case, it's just plain and simple possessiveness kagaya nang kapag ayaw mong hinahawakan ng iba ang laruan mo.
Yes, I'm his precious doll.
Well, ma-a-appreciate ko pa sana kung pinaglalaruan niya ako pero hindi eh. For the longest time, he's been keeping me inside a lonely glass case not worthy of his touch.
Inalayan niya ako nang makarating kami sa sasakyan. Ilang sandali pa ay nakasakay na din siya.
Nagtaka ako nang lumipas na ang isang minuto ay hindi pa kami umaalis. Nakabukas na ang gate pero tila wala itong balak imaniobra ang sasakyan.
"Aren't you forgetting something?" tanong niya na hindi tumitingin sa akin.
I gave him a perplexed look. Dala ko naman na ang bag ko and I'm sure my cellphone is inside it.
"I don't think so," ani ko.
"Your seatbelt Emelie. Palagi ko nalang pinapaalala. How can I let you learn how to drive kung ang pinaka basic rule sa driving ay lagi mong nakakalimutan," he said impatiently.
‘Oo nga pala.’ Tahimik kong ikinabit ang aking seatbelt.
"It's done," sabi ko nang matapos kong i-lock ito.
Saka palang kami umusad.
Tahimik naming binabagtas ang highway nang maalala ko ang sinabi niya kanina. Matagal ko nang hinihiling sa aking asawa na hayaan niya akong mag-enroll sa driving school.
"Uhm, about what you said earlier," panimula ko.
"What about it?" aniya na nakatutok ang mata sa kalsada.
"About me learning how to drive. When can I enroll?"
"When you're responsible enough to put on your seatbelt without any reminder," matigas na sabi nito.
"C'mon! Nasanay lang ako kay dad. Pero pag marunong na akong magdrive syempre alam ko na."
"Really?" sarkastikong saad nito.
He's like this sometimes, lalo na kapag ipinagpipilitan ko ang bagay na gusto ko.
"I swear."
"No."
"Sean naman! Lahat nalang ng gusto kong gawin ayaw mo!"
"Pardon me sweetheart pero hindi kita pinipigilan sa mga bagay na gusto mo. I just want to see that you will be responsible enough for your actions and decisions!" medyo galit na ang boses nito.
"I'm old enough to judge what's wrong and what's right," ani ko.
"Yeah right," anitong hidi kumbinsido sa sinabi ko.
Sinimangutan ko lang siya.
"Look sweetheart, I just don't want you to end up like what happened to our fathers. I hope you understand," bigla sumeryoso ang boses niya.
Pareho na kaming ulilang lubos.
You can say that somehow, we are fated.
Namatay ang mommy ko sa pagluwal sa akin at ganun din siya. Our dads never remarried kaya pareho din kaming only child.
And just a year before our wedding both of them met a tragic accident.
They're in the same car when it crashed. Sean's dad was the driver. My dad died on the spot dahil hindi ito nakasuot ng seatbelt.
Tito Enrico died a few days later after being brought to the hospital.
Nakausap pa namin ito bago malagutan ng hininga. Hiniling nito na ituloy namin ang kasal kahit anung mangyari. Na huwag kaming mag-aaway at maghihiwalay.
Nagbiro pa nga ito, ang sabi nito ay siya nalang daw ang magbabalita sa mom at dad ko at sa asawa nito ng mga napag-usapan namin.
It was one of the most devastating days of our lives.
At ngayon wala na kaming aasahan kundi ang isa't isa.
To be continued ...