NAPALINGON ako when I felt a familiar touch on my back. It was my husband. Ugali nito na bigla bigla nalang sumusulpot mula sa kung saan.
"Sweetheart, it's time to go home," bulong niya sa akin. Pagkatapos ay tinapunan niya ng malamig na tingin si Robyn.
"I'm taking my wife home. Goodnight, Ms. Vergara," walang emosyong sabi niya sa best friend ko.
"Goodbye Mr. Adriano," Robyn replied with the same manner.
Bumaba na ako mula sa stool at ganun din si Robyn.
"Goodnight bestie, remember what I said," anito habang nakayakap sakin. Bumitaw ako at nginitian ko siya.
"I'll text you," ani ko.
She smiled back, "Siguraduhin mo lang."
"Mr. Adriano take care of my only best friend." May diing sabi ni Robyn.
"Tell me kelan ko ba pinabayaan ang asawa ko?" He retorted.
He and his temper!
"Sean let's gooo."
I rolled my eyes sabay hila sa asawa ko.
Iniwan namin si Robyn sa harap ng mini bar na masama ang tingin kay Sean.
30 MINUTES na kami sa byahe nang maisipan kong sabihin kay Sean ang napag-usapan namin ni Robyn.
"Sean, is it ok if we do house warming party?" basag ko sa katahimikan.
"Hmmm, not a bad idea. Why not? Kelan mo gusto?"
"For real!?"
If I knew na papayag siya kaagad noon ko pa sana sinabi kanya.
"Silly, why would I refuse. I built the house for you sweetheart," malambing na sabi niya sakin. Saglit niya akong nilingon at nginitian.
Heto na naman si Mr. Sala-sa-init-sala-sa-lamig.
I admit kahit pa sanay na sanay na ako sa mga gestures at salita niya minsan hindi ko parin maiwasan ang pagkislot ng aking martir na puso.
Sean is not good with words when it comes to his emotions, pwera nalang kung galit siya. Last time I heard the word love from him is when I was five.
Despite that, somehow, I feel it when he speaks to me like this. Kaya sa hinaba haba ng panahon, nanatili parin ako sa tabi niya. Kahit paano nararamdaman ko namang pinapahalagahan niya ako. Palaging bukambibig nito na he does things for me so on and so forth.
"We never talked about it before kaya akala ko baka ayaw mo."
He shrugged, "For me, it's not necessary but if that's what you like then let's do it! Invite as many as you want."
Sa sobrang tuwa ko hindi ko napigilan ang sarili kong dumukwang para bigyan siya ng halik sa pisngi.
Napahigpit ang hawak niya sa manibela. At sumeryoso ang mukha. Halatang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
Sa paglipas din ng panahon hindi na niya gaanong iniiwasan ang skinship namin. Yun nga lang ako ang laging nag-i-initiate. Pero kapag nasa labas kami kusa niyang ipinupulupot ang braso niya sa bewang ko.
"Behave sweetheart baka kung mapano tayo," saad nito sa malalim na boses.
Alright Mr. Cold is back.
"I'm sorry, I was just overjoyed," sabi ko saka ako umayos sa pagkaka-upo.
Ilang sandali pa ay narating na namin ang aming bahay.
Looking at it from the outside, I can say that it's my dream home. It's a 2-storey building with roof deck and a veranda on the second floor na konektado sa master's bedroom. It has five rooms and 2 maid quarters.
Napakalaki nito para sa amin kaya aalog alog kami sa loob. Dalawang katulong at dalawang driver ang kasama namin sa bahay.
Pinag-aralang mabuti ni Sean ang posisyon ng lightings. Nagpalagay din siya ng solar panels kaya kahit gabi full glow ang lahat ng ilaw sa labas ng bahay namin, mahihiya ang buwan sa liwanag nito.
Ipinagbukas kami ng gate ni Manang Cely. Hindi ko na inantay pang pagbuksan ako ng pinto ni Sean nang makapasok kami sa garahe. Kating kati na ako sa suot, gusto ko nang maligo at magpalit.
"Ma'am, ipaghahanda ko po ba kayo ng makakain?" tanong ni Manang na nakasunod sa akin.
Saglit akong huminto sa pag-akyat ng hagdan.
Sinulyapan ko ang life size bigben na nakadisplay sa living room namin. It’s just half past ten. Maaga-aga pa pala kumpara sa oras ng pag-uwi namin mula sa ibang parties.
Nilingon ko si Sean na noo’y nakapasok na din ng bahay.
"Would you like to eat something?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin habang niluluwagan ang kanyang kurbata.
"Coffee will be fine. I'll be in my study my tatapusin lang ako," anito nna nagsimula nang maglakad patungo sa library kung nasaan ang mini office niya.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Pagkatapos ay binalingan ko ulit si Manang. Nginitian ko nalang siya kahit hindi ako magsalita alam na nito ang gagawin.
" Eh kayo po Ma'am?"
"Busog pa ako Manang. Baba nalang ako pag nagutom ako," aniko bago tuluyan umakyat.
Nagbabad muna ako ng halos isang oras sa tub para pawiin ang hilong nararamdaman ko dahil sa aking nainom at pati na rin pananakit ng binti ko. Kahit kailan hindi ako masasanay magsuot ng high heels.
Saktong paglabas ko ng banyo ang pagsara naman ng pinto ng silid kung saan naroon ang walk in closet namin. I saw Sean's back as he entered the room. Pares ako ay naka-bathrobe lang din siya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sana ay magkakasabay kami sa loob. Ngunit palagi akong nagpapahuli kaya ni minsan ay hindi nangyari.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. May tinig na nag-uudyok sakin na pumasok din sa silid na iyon.
I followed the devil's whisper.
Huminga muna ako ng malalim bago ko hinawakan ang door knob. Pasimple kong itinulak ang pinto.
Biglang napalingon sa gawi ko ang aking asawa at kasabay nun ang pagkahulog ng roba na noon ay nakasampay nalang pala sa balikat niya. Nasa tapat siya ng nakabukas na drawers.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakatambad na kahubdan ni Sean sa harap ko. Gusto kong pagsisihan ang ginawa kong kapangahasan. Malay ko bang ganito pala siya magbihis!
This is my first time seeing him completely naked. Na-estatwa ako sa pinto, papasok ba ako o isasara ko?
Sinalakay ng sobrang kaba ang diddib ko nang mapadako ang tingin ko sa mukha niya. Masusi siyang nakatingin sa akin.
"I-I'm sorry. I thought you were still downstairs,"
‘Bruha ka! Akala mo kung sino kang matapang na binuksan yung pinto pero nauutal utal ka jan.’ Lihim kong pinagalitam ang sarili ko.
"I was done a while ago. Tagal mo sa banyo akala ko nakatulog ka na," aniya.
Kaswal niyang pinulot ang roba na nalaglag sa sahig pagkatapos ay walang anumang isinuot.
Wow! He doesn't even look flustered! Sanay ba itong nakahubad sa harap ng mga babae?
"A- Ah, I see,"
"Aren't you coming in?" Wika nitong ipinagpatuloy ang paghahanap sa drawers.
“Y-yes,” nag-aatubili akong humakbang papasok ng silid.
Well, nandito na rin lang. Papanindigan ko na.
To be continued ...