Agad pinunasan ni Hyacinth ang luha sa mata.Agad siyang lumabas ng kuwartong iyon at sinalubong na lang ang anak sa Hallway bago pa nito malaman ang totoo.Bata pa ito at hindi pa nito maiintindihan kung sasabihin niyang natagpuan na niya ang Ama nito. At paano naman nito maiintindihan na patay na ito. Niyakap niya ng mahigpit ang anak.Na wari'y dinadamayan din ito sa paraang alam niya. Alam na niyang Si Cyrus Leviste at si Neil Cedrick Russel Espinosa ay iisa.At kapatid ng Boyfriend niya ngayong si Lester. Bakit ba sobrang magbiro ng Tadhana?Bakit sa dinami dami ng tao bakit sa kapatid pa nito? Ano na lamang ang sasabihin ng iba kung sa huli na niya nalaman na magkapatid sa Ama ang dalawa at naibigay na niya ang sarili kay Lester? Mabuti na lamang at di pa siya bumigay. Kinarga niya

