A little too awkward

1511 Words
Hyacinth POV Nakakabwiset talaga. Naiinis ako kasi ba't ba ako nakatulog sa ibabaw ng boss ko kagabi.Sabi ko sa sarili ko ay papatulugin ko lang siya at aalis na ako.Hindi ko akalain na ako pa yata ang unang nakatulog doon. "Aghhh...kainis!" sabu-sabunot ko ang buhok ko at nagpapadyak sa loob ng kwarto kong innu-occupy ko. 'Pero di ba gustong gusto mo naman.ang init kaya ng malapad niyang dibdib.Comfort na comfort ka nga kaya ayun nakatulog ka.' Sabi ng isang parte ng utak ko. So sabihin na natin na crush ko sir o kaya may pagtangi ako sa kaniya pero sakin na lang yun.Di ko sasabihin iyon sa kaniya.Kailangang huwag akong mahalata na ganun na ang kilig na nararamdaman ko sa kaniya.Sinabi ko na di na ako magmamahal.Mahirap ang sitwasyon ko,mahirap sumugal.Mahirap pakiharapan ang mga tao na ang tingin sa mga katulad ko ay kalevel na ng pukpok na wala ng dignidad.Totoong nakakalungkot. Halos di na ako nakatulog.Inayus ko na lang ang mga dadalhin ko sa pagbalik namin.Naligo ako at nagbihis na,alam kong maaga kaming aalis pabalik ni boss.Nang wala na akong nakikitang naiwan ay inilabas ko na ang bag na naglalaman ng mga gamit ko.Naupo na muna ako sa Couch na andun at nagpasyang doon na antayin si Boss.Mahirap na at baka iwanan ako noon dito. Pansin ko pa na nagulat siya na makita akong nasa labas.Pero kumpara kagabi malamig na naman ang trato sakin.Malamig na naman ang tingin at pananalita. "Lets Go."Malamig na aya niya sa akin. Bumuntot na rin lang ako sa kaniya.Pagsakay nang Van at Private plane ay di na naman ako kilala.Bakit kamo?Di na naman nagsasalita.Dapat pala sa Boss ko na ito ay laging tumoma para tumabil ang dila at kausapin ako.Nakakairita na naman talaga.Pero heto ako payuko yuko na naman ako,pasulyap sulyap sa labas.Para na naman akong Hangin. Nang lumapag ang private ay excited akong bumaba.Ang totoo gusto ko na rin lumanghap ng hangin na di kasama ang Boss ko at higit sa lahat miss na miss ko na ang anak ko.Nawawala lang ang pagkamiss ko sa kaniya pag tinitingnan ko ang wallpaper ko sa Phone ko.Kahit naman kinikilig ako sa boss ko mas kinikilig naman ako sa anak ko.Siya ang lahat sa akin kaya nga ginagawa ko ang trabahong ito,Nagtitiis na malayo sa kaniya.Salamat na lang at pauwi na kami.Iniwan ni sir ang sasakyan niya sa parking lot ng Airport kaya siya rin ang nagmaneho samin pauwi.Gusto pa sana ni Boss na mag almusal kami sa Restaurant pero sabi ko'y magdrive-thru na lang kami.At mabuti na lang sinunod naman niya.May ipapasalubong ako kay Baby Ace.Sa kanto na rin lang ako nagpababa at ma out of way pa si Boss alam kong kailangan na rin niyang magpahinga.Buti at linggo ngayon may araw pa kaming magpahinga at bukas balik trabaho na naman.Nagtricycle ako pauwi sa amin at sabik na bumaba na agad.Natanawan ko agad si Mama sa maliit na tindahan niya.Alam kong nasa loob din noon si Baby Ace. "Im Back!" Sigaw ko na alam kung dinig naman na nila. "Mama! Mama!"sabik dinniyang sigaw saakin.Niyakap ko siya agad nang makita siya at kinarga.Yumakap din siya sa batok ko ng mahigpit at halik nang halik sa akin.Nakakatanggal ng pagod ang makasama ko ang Anak ko. "Baby may pasalubong ako saiyo.Baba ka muna.Ang bigat mo na ah." Ibinaba ko siya at kinuha ang pagkain na dala ko.Chicken iyon with Spaghetti ang Fries. "Wow ang sarap po niyan."Pumalakpak pa ang maliit niyang mga kamay. "Maupo ka sa mesa at ng makakain ka na Baby.Susubuan ka ni Mama." Sabi ko sa anak ko.Gustong gusto niya nang matuto kumain mag isa kaso alam ko magkakalat lang siya kaya ako na ang magpapakain sa kaniya para less na rin ang kalat. Naglaba na lang ako pagkatapos kung pakainin ang anak ko.Alam kung di pa nakapagsimba sila mama pwede naman siguro mamaya sabay sabay na lang kami.Isasama ko na lang din si Baby Ace. Tinanong naman ako ni mama kung kumusta ang pinuntahan namin ni Boss kinuwento ko naman sa kaniya lahat except iyong nangyari sa dagat at sa bar.Di ko rin puwedeng sabihin na nalasing ang boss ko,inakay ko pauwi nakaakbay sakin at halos nayakap na ako.Magagalit sila panigurado at sasabihin na kumakarengkeng na naman ako sa Boss ko pa. Nagsimba kami kinahapunan at naglakad lakad sa parke.Naglaro si Baby Ace sa slides na pambata kasama si Papa.Umuwi na rin kami pagkatapos.Maaga akong nakatulog kinagabihan dahil na rin siguro sa pagod sa kulang na rin ng tulog ng nagdaang gabi.Kinaumagahan ay sumabay ulit ako kay Tito Jay papasok sa trabaho.Tahimik lang ako sa desk ko habang tseni-check ang schedule ni Sir.Isenend ko narin sa email niya ng mabasa niya. Pero nagtaka ako dahil sa pagpasok niya sa opisina ay sinabing sumunod ako para sa schedules niya.Iniiwasan ko na nga kaya isend ko sa email niya tapos ay papatawag ako para malaman ang schedule niya.Lagot na. Dali dali kong dinampot ang ipad at sumunod sa loob ng opisina nang boss ko. Pagkatpos kung magbigay galang ay pumasok na ko at binasa ang schedules niya.Nakawak siya sa baba niya at tatango. "That would be all for today Sir."Sabi ko. "Sa meeting ko kay Mr. Cordova ay sasama ka sa akin."Inangat ko siya ng tingin at tiningnan sa mukha."May sasabihin ka Ms. Santos?"tanong niya sa akin. Alam kong di ako puwedeng magreklamo kaya umiling ako na ibig sabihin wala akong sasabihin.Bwesit talaga at nawiwili na ang Boss ko na isama sama ako sa mga meeting niya with Clients.I wonder kung ganun din ba siya sa naka leave na sekretarya. "Ipagtimpla mo ko ng kape."Utos niya. "Yes sir."sagot ko agad at tumalikod na. Naabutan ko pa sa pantry ang ibang empleyado na nag aalmusal.Marahil sa takot na ma-late ay binaon na lang ang pagkain.Mahirap naman talaga kasi abutan ng time-in na wala pa sa loob ng kompaniya. Patingin tingin lang sila sa akin at nginingitian ko lang naman.Di naman sila nagtatanong tungkol sa naging lakad namin ng boss pero alam kung alam nila na nag out of town ang boss kasama ako. Tahimik lang akong umalis at bumalik sa taas para ibigay ang kape ni Sir. "Ahm Sir?"kuha ko sa atensyon niya na nakatutok sa laftop niya . "Yes,What is it Ms. Santos?"Nalipat ang tingin niya sa mukha ko. Kinabahan ako.May Gosh eto na naman ang tingin niyang nakakaintimidate. "Ah ano ho kasi.Pwede ho bang magdala na lang ako ng Mug dito sa office niyo.Kasi my hot water naman kayo doon."Turo ko sa mini kitchen."Bibili na lang ho ng kape para di na po ako bababa sa pantry.If that's okay with you Sir."Dire-diretso ko ng sabi para isahan na lang. "Its okay with me." walang alinlangan niyang sagot. "Thank you Sir.May i go now sir?"Tanong ko. Tumango siya.Lumabas na ako agad. Feeling ko kasi sinusundan na naman niya ako ng tingin.Andun na naman ang mala microscopic niyang tingin.Mahirap malaman kung anong tumatakbo sa utak niya. 11am ng lumabas siya nang opisina dahil sa lunch meeting niya kay Mr. Cordova.At tulad ng sabi niya kasama ako.Kaya agad akong nakasunod sa kaniya.Buti na lang di ako mahilig sa stilettos dahil baka natapilok tapilok na ako sa kahahabol sa kaniya.Ang hahaba pa naman ng biyas kaya malalaki rin ang hakbang niya.Nilingon niya ako na di magkandaugaga sa paghabol sa kaniya Naiinis na talaga ako. Salabong pa ang kilay niya na akala mo kasalanan ko pa na nahuhuli ako sa lakad niya.Bwesit! Pumasok na siya sa elevator, kasunod ako.Pinindot ko agad ang Ground floor. Nang makalabas kami ng lift ay dere-deritso siya sa kotse niyang nakaparada.Agad akong sumakay sa shotgun set kasi baka sabihin pa ay paimportante kung ipagbubukas pa niya ako ng pinto ng sasakyan.Di naman ako girlfriend niya o kapamilya niya. Tahimik na lang kami papunta sa Restaurant.Pailalim kong sinulyapan si sir.Nakahawak ang kaliwang kamay sa steering wheel ng sasakyan.Ang isa ay nakababa lang sa kanang hita niya.Ang lapad ng palad niya.Ang lalaki at tataba ang mga daliri sa kamay.Siguroy isang sapak lang sa tulad ko kaliit ay tulog agad.Pasimple kyng tiningnan ang thigh niya..oh may di ko pa rin nakakalimutan ang umbok niya.At ngayon nga ay naiisip ko na naman.Siguro'y maimahinasyon lang ang utak ko kaya kung anu-ano na namang naiisip ko.Normal pa ba ako?Nag init bigla ang pisngi ko.Napapikit ako kahit nakayuko para pakalmahin ang green minded kong utak.Ganito pala ang epekto ng Guwapo sa akin.Pang highschool feelings lang ito..na siguro ay di ko naranasan noon dahil focus ako sa pag aaral.Bahay at eskwelahan lang ako noon sa higpit ng mga magulang ko kaya siguro nagpadalos dalos ako sa mga desisyon ko.Ayan nagkaanak pako. Tumikhim si Sir na nagpabalik sa akin na kasama ko pala siya. Pasulyap sulyap tuloy siya sa akin.Ano na naman kaya ang naiisip niya.Kung bakit kasi di man lang magkwento..ang Awkward tuloy.. Gusto kong irolyo ang mga mata ko sa pagkadismaya na di man lang kami nagkakaroon ng simple conversation ulit.Ganun ba talaga siya?Mahirap I-approach? Hay ..... Landiin ko kaya.. Tumigil ka Hyacinth,Di ka dyosa! Lihim na lang akong nangingiti.. Kahit katabi ko lang ang boss ko.Sabihin niya tuloy nababaliw na ako... (R.R)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD