Hyacinth New Routine

1602 Words
Maagang gumising si Hyacinth dahil sabado ngayon.Mula nung martes na sinabihan siya na makikilala ang boss ay di naman niya nakita.Okey na daw ang qualification niya at mula nga nung martes hanggang Biernes ay training niya upang magamay ang mga trabahong ibibigay sa kaniya.Hindi naman siya nahirapan.Bilib na bilib sa kaniya ang incharge na nagtraining sa kaniya sa Auditing Department.Wala itong makitang mali sa mga ipinagawa sa kaniya.kaya pormal na sa Lunes ang start niya as one of the employees ng Kumpaniya.Alam niyang marami rami ang tatrabahuhin niya lalo't sinabi na marami silang dapat matapos na trabaho dahil urgent na dapat malaman kung saan ba nagkaproblema sa mga proyekto ng kompaniya.Inipilon niya lahat ng labahin niya.Naglaba siya ng umagang iyon.Naglinis na rin siya habang ang mga magulang niya ay busy sa sari sari store nito. Nang sumapit ang araw ng linggo ay nagsimba ang mga magulang niya sa pang umagang misa.Hindi naman niya sinasama ang anak dahil naglilikot lang ito sa simbahan.Kaya hindi sila nagsasabay na magsimba.Mamaya na lang siya sa pang alas kwatrong misa. Pagkatapos ng magsimba ay dumiretso siya sa Isang malapit na Mall at bumili ng gatas,biscuits at diaper ng anak. Nahihiya naman na talaga siya sa mga magulang kahit naman kasi di nagrereklamo ang mga ito ay di pwedeng habang buhay na lng siyang aasa sa mga ito.paano na kapag nag aaral na si Baby Ace?mas lalaki na rin ang mga kailangan nito panigurado.Saka tumatanda na rin ang mga magulang niya.Palibhasa matanda na ito nagsipag asawa kaya tuloy nag iisa lang siyang anak.Di na nakabuo pa ng kapatid niya. Dahil lampas alas singko na, Pumasok agad siya at Dumiretso sa Supermarket ng Mall.Sa sobrang laki hindi na niya matandaan ang mga section kung nasaan na ba ang kailangn niyang bilhin.Tumingala siya at hinanap ang mga nkapaskil na pangalan kung nasaang section na ba siya.Sa totoo lang kasi sa Pamilihang bayan siya bumibili ng mga kailangan ng anak kasi mas mura naman talaga doon iyon nga lang mainit at siksikan. Ngayon na nga lang siya ulit pumasok sa Mall dahil malapit lang ito sa simbahan..dalawang kanto lang ang nilakad niya. Dali dali siyang dumampot ng gatas ng anak.Nalimutan pa niyang magdala ng shopping basket.Hay tanga talaga.Kastigo niya sa sariling katangahan.Binitbit niya nag kinuhang gatas at dumiretso sa estante ng mga biscuits.Inikim na lang niya ang mga binili.Hinanap niya ang Estante ng mga diaper ngunit di niya alam kung bat pagpunta niya sa dulo ay puro mga liquor ang nakita niya.Linga rito linga roon ang ginawa niya at nakatingkayad pa siyang sinilip ulit ang plakard kung saan nakasulat ang lugar.Bigla lng siyang pumihit at nabangga niya ang isang lalaki. Natigilan siya ng matitigan ang nakabanggaan niya.Nakashade ito ng mamahalin at ang kasuotan ay malinis na malinis. Juice ko day!Ang bango bango ng lalaki at ang kutis ay pang mayaman. "Sorry po.Nagmamadali lang ho kasi ako."Nang makabawi ay agad agad niyang pinulot ang mga nabitawan niyang gatas at biscuits.Buti na lang puro sachets ng 1.2kg na gatas ang dala niya dahil kung yung nasa lata siguradong maingay ng malaglag sa sahig ng supermarket.Lalo ng nakakahiya. Tiningnan niya ulit ang lalaki na natuod lang sa kinatatayuan at tinitingnan lamang siya. Hindi niya makita sa mukha nito kung galit ba o hindi dahil nakashades ito.Di rin naman nagsasalita. "Sige ho mauna na ko.Pasensiya ho ulit." dali dali siyang naglakad at di na nilingon ang lalaki. Nakahinga siya ng maluwag.Tamang tama ang tigil niya andun na siya sa estante ng mga diapers.Hindi na naman nagdadiaper sa umaga ang anak niya.Pag gabi lang kaya isang balot lang ng talumpuan ang kinuha niya.Tama na iyon hanggang sa pagsuweldo niya sa kinsenas. Binayaran na niya sa counter ang pinamili at Naglakad pauwi.. Di pa rin maalis sa ilong niya kung gaano kabango ang lalaking nakabangga niya.parang naligo ito ng pabango.Grabe talaga ang mayayaman.Ang mamahal ng mga pabango.Pero talaga namang ang bango bango.para na ring dumikit sa ilong niya ang pabango ng lalaki.ang sarap amuyin ng naamoy niya.Samantalang siya simpleng baby cologne lang ang gamit niya.pareho sila ni Baby Ace ng cologne.iyon na din kasi ang ginagamit niya para tipid.Total di naman siya umaalis ng bahay nila. Tuwang tuwa si Ace ng dumating siya.Dumaan siya sa bilihan ng prutas dahil paborito ng baby niya ang apple.Kaya puro dagta minsan ang damit nito.Hirap pa namang tanggalin ng mantsa ng apple sa damit. Lunes ng umaga ay dinaanan siya ng Tito Jay niya at isinasabay papunta sa trabaho para di na raw siya magcommute. Pagkapark na tito niya ay sabay na din silang pumasok at naghiwalay lang sa pagpunta sa kaniya kaniya nilang department.Nagtime in muna siya.At dumiretso na sa puwesto niya.Inumpisahan na agad niya ang trabaho kahit maaga pa.mas nauna pa nga siya sa Head nila.Kaya tuwang tuwa ito sa kaniya.sana raw ay huwag siyang magbago sa ugaling ipinapakita.Nangako naman siyang pag bubutihin ang trabaho. Sa di malamang dahilan kulang ang empleyading pumasok sa department nila. Mauupo na sana siya sa puwesti niya ng tawagin siya ng Head nila. "Pakidala sa office ng CEO ang mga reports na ito.Iwanan mo na lang sa sekretarya niya."Sabi ng Head sa kaniya. "Yes ma'am."Maagap niyang tugon. Lumabas siya ng department nila.Patay di niya natanong kung saan ang office ng CEO dahil di nga siya nainterview nung sabing iinterviewhin siya. Mabuti na lang nakasalubong niya ang isang Utility man sa pasilyo papunta ng elevator.Alam niyang Utility ito base sa uniporme nito. "Excuse me po,Saan po ang Opisina ng Boss? "Magalang na tanong sa lalaki na sa tingin niya ay nasa mga 40 anyos na. "Sa 5th floor sa kanan pagkalabas mo ng elevator.wala ng iba dun ineng.Bago ka ba rito?"tanong din nito sa kaniya. "Opo,sa Accounting Department po." sagot niya. Tumango tango lang ito. "Sige po,salamat po."Tumalikod na siya at nagpunta sa elevator.pinindot niya ang 5th floor. Pagkalabas niya ng elevator ay 2 lang ang pintong nakita niya sa taas.Sabi ay sa kanan.kaya lumakad siya papunta sa pinto.Tama nga nakapaskil ang CEO's Office sa taas ng pinto.Sumilip siya sa salamin sa pinto.Makikita mo agad sa bungad ang mesa ng sekretarya pero wala ata ang sekretarya,walang tao roon. Itinulak niya ang pintuan at pumasok na.Inikot niya ang paningin sa loob.wala talaga.May isa pang pinto sa unahan.Iyon na siguro ang office room ng CEO.Dumiretso siya doon at kumatok ng tatlong beses. "Come in." boses ng CEO.malaki at baritonong boses ang narinig niya.Parang nakakatakot ang boses nito.Maauthority sa pandinig niya ang dating. Dahan dahan niya itinulak ang pinto.Sumilip muna ang ulo niya sa pinto. Nakita niya ang lalaking naka sideview at may binabasa sa laftop nito.Di naman nakatingin sa pinto. Agad na niyang ipinasok ang sarili sa loob ng pinto at tumayo ng tuwid. "Good morning Sir,Inutusan po akong ibigay sa sekretarya niyo ang mga reports pero wala po ang sekretarya niyo sa labas." Dirediretso niyang sabi sa boss. Tumingon ito sa gawi niya.Parang nabigla pa ito.Hindi ito nakapagsalita.Nakatingin lang ito sa mukha niya habang sinisipat siya mula ulo pababa at pataas ulit na mata lang ang gumagalaw. "Sir" untag niya rito. Parang nahimasmasan naman ito. "Hand it to me."pagkuway sabi nito. Humakbang siya papalapit.Kahit nahihiya pa rin siya.Nakakatakot kasi talaga itong makatingin din,pwera sa boses nitong maotoridad. Iniabot niya ang mga folder dito. "Sige ho Sir."Yumukod siya at tatalikod na sana. Pero pinigilan siya nito. "Wait"Sabi na naman ng boses nitong nakakatakot. Agad siyang napatingin dito..naku po.Ano pa bang sasabihin niya..Medyo ginapangan siya ng takot lalo walang ibang tao sa kuwartong iyon kundi sila lang dalawa.Nasaan ba kasi ang sektretarya nito. "I think, I dont know you.."sabi ng boss. "Im Hyacinth Santos Sir, new auditing staff.Unang araw ko ho ngayon bilang regular employee ."Yumuko siya pagkatapos niyang ipakilala ang sarili.Di niya matagalan ang titig nito sa kaniya.Ganun ba talaga ang mga boss.Parang tagos sa kaluluwa kung makatingin.Para bang inaanalisa ka kung masama o mabuti kang tao.O kung may mali ba sa hitsura niya kaya ganun iyon kung makatingin. Pinasadahan niya ng tingin ang suot.Okey naman ah.wala namang malaswa.ska lang ang knee length gray skirt niya.maayos ding nakabutones ang Cream blouse niya.Para nga siyang nagtatrabaho sa bangko sa hitsura niya. Inangat niya ulit ang paningin at nagtama ang mga mata nila. "I see,so ikaw pala yung di ko napersonal interview.But i was impressed by your credentials and i have my important reason kung bakit di na kita nainterview."sabi ng boss. Pasimple niyang tiningnan ang pangalan nito sa ibabaw ng desk nito. LESTER ESPINOSA,CEO so Lester pala ang pangalan nito. "Thank you for trusting and hiring me sir." Buong pusong pasasalamat niya.Yunukod ulit siya pgkatapos. "Lalabas na po ako." paalam niya dahil wala naman siya ibang masabi dahil sa takot at kaba sa Boss. Tiningnan niya ito sa mata at nakatingin din ito sa kaniya bago tumango na rin na ibig sabihin ay umalis na siya. Dali dali siyang tumalikod agad at lumabas ng opisina nito.Hay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Pagkaupo niya sa mesa niya ay hinanap niya ang tumbler at uminom ng tubig.Matutuyuan ata siya ng tubig sa katawan. Paano pa kaya kung araw araw niya kaharap ang boss.Siguro'y kanda utal na siya sa pagsagot dito.Masyado kasing nakakaintimidate ang awra nito.Nakakanginig ng tuhod at nakakawala sa realidad.O baka ganun lang talaga ito kasi boss nga naman.dapat ganun naman talaga o di lang siya sanay makiharap sa mga lalaki mula ng maanakan siya.Natakot na siyang humarap sa mga lalaki pwera na lang sa mga taong malalapit sa kaniya. Kailangan niyang maovercome ang takot,para sa maganda niyang trabaho.Dapat maging confident siya araw araw.Hindi siya magpapa apekto kahit sa nakakatakot na Boss.Ang importante ang Trabaho niya para sa Anak.Ito ang araw araw niya ng iisipin.Fight lang.. (R.R)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD