Unexpected View

1139 Words
Hyacinth POV Isang linggo.. isang linggo na ang nakalipas mula ng maging Sekretary siya ng Boss.Tuwang tuwa ang Tito Jay niya ng malamang siya na ang bagong sekretarya ng boss nila.Sabi naman niya ay temporary lang habang nakaleave ang tunay na sekretarya. Ang mga ka officemate naman niya lalo na si Liza at Grace ay inggit na inggit sa kaniya.Kasi araw araw na raw niyang makikita ang kaguwapuhan ng boss nila.Lalo na raw niyang makikita ang magandang katawan nito.Mga loka talaga!As in naman nakahubad ang boss niya na makikita niya ang six packs abs niyon. Pero sa totoo lang,guwapong guwapo naman talaga si Sir Lester,Ang yummy pa ng katawan.Ang sarap sigurong makulong sa malapad na dibdib at matitigas na bisig ng boss nila. Hmmmm hanggang pantasya lang naman siya.Di naman iyon magkakagusto sa katulad niyang disgrasyada.At least nagpapantasya..Alam naman niya na suntok sa buwan iyon.Siguro pag puti ng uwak. Pero naaalala niya pa ang sabi nuon sa kaniya Hindi raw siya mukhang may anak na.Para pa rin daw siyang dalaga. Siguro ay pinagmamasdan naman talaga siya noon.Kung sabagay kitang kita niya naman na para na nga iyong may microscope kung makasipat sa kaniya.Tagos pa sa kaluluwa kung makatitig.Siguro kasi palibhasa ay playboy ito.Kaya ganun kung makàsipat..inaalam kung may ibubuga sa kama. Pero malabo na mag kainteres iyon sa kaniya.Lalo may anak na siya,malamang kung virgin pa siya baka magkainteres na kunin ang virginity niya.. Tulad sa mga nobelang nabasa niya.Binibili pa iyon ng mga mayayaman,makatikim lang ng virgin.Isang kalokohan,kaso kung totoo man sa tunay na buhay...di na siya virgin. Maaga siya ng araw na iyon..Martes kasi ayaw niyang nalalate.Kahit di naman saklaw ng trabaho niya ang maglinis ay pinakialaman na niya ang mga ililigpit sa opisina ng boss.Kesa antayin pa nila ang janitor nag maglinis noon.Wala pa naman siyang ginagawa.Natapos na niyang iligpit ang mga kalat ng mapadako ang mata niya sa mini kitchen.May water dispenser naman pala ito ng hot and cold di sana dito na lang siya kumukuha ng pantimpla ng kape nito kesa ng bababa pa.Inayos na rin niya ang mga nakapatong doon..ngunit hindi na niya binuksan ang minifridge.Nakakahiya naman kung mangingialam pa siya roon. Lumapit siya sa lababo at naghugas ng kamay ng bumukas ang pinto na malapit sa mini kitchen,kwarto pa pala iyon. Nagulat siya sa hitsura ng boss na tila bagong gising pa lamang.Gulo-gulo ang buhok niyon at nakapajama pang tulog,walang damit pangtaas. Pero juice ko day!ang guwapo pa rin.Lihim siyang kinikilig.Pati tinggil niya nakikilig sa kamachohan nito. Napadako ang mata niya sa Lips nito na parang si Ben Affleck..iyong hitsura ni Ben Affleck sa pelikulang Dare Devil.Grabe kilig na kilig pa siya sa pelikulang iyon hanggang ngayon.Kahawig ng boss niyang ito ang bida roon na si Ben Affleck dangan lamang at brown eyes itong boss niya.Bumaba pa ang tingin niya sa katawan nito.. Wow ang dibdib..may Six packs abs...Yummy..tigas tigas..Naka awang ang labi niya,di pa niya maiwasang mapatulala..buti di tumulo ang laway niya. "Are you done checking me Out?" pukaw nito sa kaniya.Nagbawi agad siya ng tingin. 'G-Good Morning Sir!" She stuttered. "Ang aga mo yata Ms. Santos?"Yes sir, early bird catches the early worm.Gusto sana niyang idugtong kaso di na niya nasabi pa. "Ikaw lang po ang late na nagising sir!" Sagot naman niya dito pero mahina lang ang boses niya. Sinipat nito ang relo. "Yeah,tinanghali na nga ako."pag sang ayun nito sa kaniya. "Ang lakas kasi ng thunderstorm at ulan kagabi kaya di na ko umuwi,mahirap ng abutin ng baha sa daan."dugtong pa nito. "sige ho sir."Akma na siyang tatalikod ng pigilan na naman siya nito. "Can you please fix my stuff on my bed?"sabi nito at tumalikod na. Ano raw?Fix the stuff on his bed?Kaloka..Ginawa pa siya nitong Housekeeping ha.Nagpipito-pitong isip pa siya kung papasok na ba siya sa loob,kung sabagay nakaawang naman ang pinto.Kaya sa huli pumasok na rin siya. Ang bango bango ng kuwarto nito.Inamoy amoy niya pa ang unan nito na pinulot niya aa sahig dahil nagkandahulog na iyon.Parang ang likot nitong matulog dahil gusot gusot amg kama.baka may kalampungan ito kagabi.Pero mukhang wala naman amoy ng babae sa kwarto.Wala ding mga naiwang gamit ng babae.Siguro'y malikot lang itong matulog.Inayos na niya ang una pati ang comforter. Pati narin ang mga display nito,Pati ang pinagkainan nito sa maliit na mesa ay inayos na niya at nilinis.Biglang bumukas ang CR at lumabas ang boss niya na nakatapis lang ng puting tuwalya sa beywang.Pumapatak patak pa ang mangilan ngilang tubig sa dibdib nito mula sa basang buhok. Ang fresh..Ang bango at talagang nakakaakit naman. Tumikhim ito..kaya agad siyang napabaling sa pinto.. "Ah sige ho sir lalabas na ho ako."Dali dali siyang humakbang papunta sa pinto.Nagkabungguan na naman sila sa pagmamadali niya.Naoutbalance siya,nahapit naman siya nito kaya sumubsob siya sa dibdib nito ng bigla siyang kabigin ng maout balance siya. Nawala na naman siya sa huwisyo nang halos mahalikan na niya ang six pack abs nito sa tangkad ba naman kasi..hanggang balikat lang ata siya kaya sumubsob siya sa dibdib nito.Hapit naman siya sa maliit niyang beywang ng kanang kamay nito.Para na tuloy siyang yakap nito at damang dama niya ang may katigasan nitong dibdib. Napakagat labi siya at di magawang tumingala.Bagkos sa pagyuko niya nadako ang mata niya sa umbok sa harapan na natatakpan ng tuwalya. Agad siyang kumawala sa bisig nito sa pagkapahiya ay dirediretso siya sa labas..umupo siya sa desk niya.Habol ang hininga at grabe ang t***k ng puso niya. sabi ng hindi siya maaattract sa mga lalaki.. lalo na sa boss niyang ubod ng guwapo.. What a nice view.. Really an unexpected view ..lalo na iyong nasa baba..nakaumbok..parang nakatayo na nga iyon eh. Di pa naman talaga siya nakakita noon sa personal.Nakakatawa nga nabuntis na nga siyat lahat pero isang beses lang naman sila ng ano ng walang hiyang boyfriend niya.At madilim ang silid ng apartment ng animal,kaso babaero ata iyon talaga dahil kahit madilim ay nakashoot pa rin sa kaniya.Siguro nga alam noong virgin siya kaya kinuha lang..ang masiste at iniwanan siya ng remembrance.Pero di niya pinagsisihan ang anak niya.Mahal na mahal niya ang anak.Pero nasusuklam siya sa walang hiyang ama niyon.Gagantihan niya talaga ang walanghiyang iyon pag nagkita o nagkasalubong sila. Para siyang teenager na ngayon lang nakakita ng umbok.. kasi naman..bakit kasi lumabas labas naman iyon ng nakaganoon.. Huwag kang feelingera,kastigo niya sa sarili..baka nga akala noon ay master na siya sa kama dahil may anak na siya..kaya malamang ganun ang ginawa noon.. Pero magkakainteres nga ba ang boss niya sa kaniya..isang dalagang ina.. Pero di ba playboy nga iyon..baka lahat pinapatos noon.. Dapat lang na mag ingat siya kahit na ba may anak na siya. Iyon tama!..di na siya papasok doon ng basta basta..kahit pa maganda ang unexpected view doon... Mahirap na lalo katukso tukso naman talaga ang yumming boss niya. Oh juice ko..!Tukso layuan mo ako..sabi niya sa sarili. (R.R)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD