Cailey's Pov
Maagang nagising dahil sa alarm clock ko,deretso banyo para makaligo na at makapag ready sa pag pasok sa school last practice na namin ngayon, kung tutuusin wala dapat pasok ng sabado pero dahil graduation na sa Lunes kailangan namin pumasok dahil bukas Sunday walang practice pahinga para naman daw fresh kami sa graduation namin..
Nang matapos na akong makapagbihis,lumabas na ako sakto andun na sila mama, papa at kuya Vein ako na lang pala hinihintay nila.
"good morning ma, pa at kuya"
"morning nak"-Mama at Papa
"morning bunso"-kuya
"ihahatid mo ba ako ngayon kuya?"
"oo bunso ako maghahatid sayo, gusto ko kaso makita ang pagpractice nyo"-kuya
"eh but si papa?"
"may pupuntahan kasi kami ngayon ni Mayor nak, kaya di kita maihahatid"-Papa
"ok lang po yun papa, ma!nakausap nyo na po ba si Tita Alice po, tungkol po sa celebration po ng graduation namin no Neon po"
"oo anak, galing ang Tita Alice mo dito kahapon, nakakahiya nga eh kaso yun din daw ang sabi ng Tito Ramon mo, kaya pumuyag na ako,"-Mama
"tama nak, kinausap din ako Mayor Ramon, nong una ayaw ko kasi sigurado madaming bisita ang dadalo dun,,kaso sabi ni Mayor tayo tayo lang daw di na daw mag iimbita pa ng marami para naman daw makapag bonding tayo"-Papa
"swerte mo bunso, sa mansion ka maghahanda hmf mamamanhikan na ata sila?"biro ni kuya
Sabagay sila Tita Alice at Tito Ramon di na iba ang turing nila sa amin kung di isang pamilya na din, si papa matalik ni Tito Ramon kaya si papa ang kinuha nyang personal driver simula ng bumalik si papa dito galing abroad si mama naman bestfriend ni Tita Alice since high school kaya hanggang ngayon ganoon pa din ang turingan nila, kahit pa nga anong tulong na ibigay nila Tito at Tita kila mama at papa di nila tinatanggap, may sari sari store naman kasi kami at talyer kaya kahit papano di kami ganoon naghihirap.
"eh mama darating po ba ang mga lolo at lola ni Neon po?"
"ang alam ko ang mama at papa ng Tita Alice mo ang darating ewan lang sa side ng Tito Ramon mo"-Mama
Madalang kasi umuwi ang mga lolo at lola ni Neon kaya sobrang namimis nya ang mga ito, mamabait kasi sila at marunong silang makisama.
"bilisan mo na bunso,at nag maihatid na kita"sabi ni kuya
"eh but nagmamadali ka kuya?"
"nagtext kasi sila kuya Tyrone kailangan daw nila ng tulong sa talyer di daw pumasok yung isang kasama nila, marami pa naman daw gagawin ngayon dun" mahabang paliwanag ni kuya
"oo na po, ito na po oh tapos na po ako"
Kala ko pa naman manonood si kuya ng practice di pala,eh di bale mas ok yun para di nya kami makitang pinahihirapan ni ma'am Grace.
"ma, pa alis na po kami"
"sige mga anak mag iingat kayo ha,"
Ilang minuto lang naman ang byahe namin at nakarating din kami sa school.
"susunduin kita mamaya bunso"
"naku wag na kuya sasabay na lang po ako kay Neon, baka po kasi anong oras na po kami matapos sa practice lalo na po last practice na namin po ito"
"kung ganoon mag iingat na lang kayo mamaya, bye bunso"
"bye kuya!"
Haist eto nanaman kami buti na lang last practice na lang ito,
"morning Cailey my love"-Neon
Eto nanaman si Neon sa pagpapakilig sa akin
"morning din best"
"musta pala yung mga inapplyan mong universities may nagmessage na ba?"
"di ko alam, di pa kasi ako nag open ng messenger ko eh,ikaw ba"
"wala pa din nagmessage"-Neon
"wag kang alala makakapasa tayo, positive lang"
"yan gusto ko sayo eh, kaya love na love kita"
sabay kurot ng pisngi ko, di pa ako nakakaget over tinakbuhan na ako, alam nya kasing gaganti ako sa kanya.
Andito na kaming lahat sa gym ng school,
"good morning student, so eto ang last practice nyong mga graduating hopefully karamihan sainyo ay makapag aral ng college at makapagtapos, pano simulan na natin"
Sinimulan na nga namin ang practice mabuti naman at naging maganda ang resulta nya ngayon kumpra kahapon atleast ngayon nakakapagpahinga kami dahil wala ng nagkakamali sa amin.
Excited na ako, sana parehong university ang papasukan namin ni Neon.