HUMINTO si Kier nang makarating na siya sa kanilang side. Napatingin pa siya kay Ricky na kasalukuyang nasa kanyang harapan. Nakangiti pero nag-aabang ito sa kanyang gagawin. Nakatingin din ito sa bola at sa kanyang mga paa. Naka-awang din ang mga braso nito at alam niyang gagalaw at gagalaw ito kapag siya ay gumawa ng bwelo. “Tingnan ko nga ngayon Mendez kung ano ba ang mga naituro sa iyo ni Romero,” mahinang winika ni Kier at umatras ito nang bahagya kasabay ng bola. Pagkatapos noon ay isang mabilis na hakbang pauna ang kanyang ginawa. Nabigla na lang si Mendez nang bumangga siya sa isa pang player ng Lumangbayan na si Montoya. Mabilis na kumilos si Mendez dahil sa screen na iyon ng kanyang kasama. Napigilan kaagad ni Montoya ang defender ni Kier. Dahil doon kaya isang mabilis na

