MATAPOS ang ginawang iyon ni Mendez ay tila nagbago ang ihip ng hangin sa labang iyon. Nakikita ng mga manonood na ang laban ay dahan-dahang pumapabor sa Panthers. Si Mover, napalingon sa nakangiting labi nina Baron at Ricky. Ang kanyang mahinang paghingal ay inalis niya pansamantala sa pamamagitan ng isang malalim na paghinga. “Ako ang pinakamalakas na player ng Calapan...” “But... Hindi ako ang nagsabi noon...” “I am beatable... And my team can be defeated.” Pinagmasdan ni Mover ang mga kasamahan niya na may mga hingal na rin sa kani-kanilang mga dibdib. Sandaling bumalik sa alaala niya ang unang beses siyang makahawak ng bola. Akala niya ay normal na laro lang ang nakita niya noon, pero hindi niya akalaing ang sports na ito ang magiging libangan niya. Ang basketball

