NAGBAGO ang ihip ng hangin nang magsimula nang ipakita ni Semeron ang lakas na mayroon siya sa court. Ipinamukha niya sa kanyang katapat na si Karlo Ibañez na hindi siya ang dapat tumapat sa kanya sapagkat isang player lang ang gusto niyang bumantay sa kanya. Babantayan siya nito at ilalampaso sa harapan ng maraming mga manonood. “Mover Flores...” sambit ni Baron habang nakatingin sa bench ng kalaban. Naroon ang kanyang target. Kung patuloy itong magpapakakampante sa pagtambay sa kanilang bench ay papalaruin niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng talento at abilidad na mayroon siya sa court. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong determinasyon. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong muling makalaban ang player na dati niyang hinangaan. Pagkabalik nina Baron sa bench nila ay m

