TUMUNOG na ang buzzer at ang silbato ng referee. Hudyat iyon na ang second quarter ay magsisimula na. Si Kier, seryosong napatingin sa bench ng Panthers. Napasulyap siya kay Suarez na kanina ay bumigla ng paghataw sa opensa. Kung hindi nila ito mapipigilan ay baka makalamang na ng tuluyan ang kanilang mga kalaban. “Pero hindi ko iyon hahayaan,” sambit ni Kier. Sandali rin siyang napatingin kay Mendez. Nairita siya sa totoo lang, gusto niyang magpakitang-gilas ito, kaso kung mangyayari iyon ay baka mahirapan na silang makalayo ng puntos sa mga ito. Nagtatalo sa isip niya ang kagustuhang maging magaling si Mendez, at ganoon din ang kagustuhan niyang manalo sila. “Marius, hahataw tayo ngayong second half!” wika ni Kier sa kanilang center. Kasunod nilang naglakad si Garcia, ang kanilan

