KASALUKUYANG nakaupo sa maputing buhangin sa tabi ng dagat si Ricky habang may hawak na isang softdrinks in can. Wala siyang pantaas at tanging shorts lang ang suot. May tatlong malaking payong sa tapat niya at ito ang silungan nila. Sa kabilang payong ay may lalaking kasalukuyang naglalaro ng mobile game, ang boyfriend ng isa sa mga kabarkada ni Andrea. Sa kabila naman ay may isa ring lalaking kasalukuyang nakadapa sa latag na inilagay roon. Natutulog ito, kagaya kanina ng nasa byahe sila, tulog din ito. Iyong isa naman nilang kasama na lalaki ay nasa dagat kasama ang girlfriend nito at lumalangoy. Sina Andrea naman ay naglalaro sa dagat kasama ang mga kabarkada nito. May dalang bola ang mga ito at nagpapasa-pasahan sila roon. Talagang sinasamantala ang bakasyong ito na mapalayo sa mg

