“GUSTO kong maging pinakamagaling na point guard!” wika ng isang batang nasa edad walo sa katabi nitong kaedadin din nito. Nakaupo sila sa isang malaking gulong sa ilalim ng isang puno ng mangga. Sa tabi nila ay may isang bola at kasalukuyan silang umiinom ng palamig na kulay dilaw na nakalagay sa plastic at may nakalagay na straw. Pawisang-pawisan ang dalawa dahil kakatapos lang ng kanilang pakikipaglaro sa mga bata sa kabilang barangay. “Kung ikaw ang point guard. E de ako naman ang kasama mo. Sisiguruhin ko na sa bawat pasa mo sa akin ay iiskor ako. Ang saya noon!” masayang wika ng kasama ng batang si Martin at pagkatapos ay nagkwentuhan pa ang dalawa tungkol sa mga gusto nilang gawin sa paglalaro ng basketball. Hindi rin mawawala ang mga kalokohan at makikitang masayang-masaya

