Gulat na gulat Mom ko sa nakita nya , alam ko nabigla sya sa mga pangyayari halos hindi siya makapagsalita nakatutok lang sa amin ng mga bata ang mga mata niya. Pumanhik ako para alalayan siya pababa at ang mga luha sa kanyang mga mata nagsimula ng pumatak sa kanyaang mga pisngi at nang makarating kami sa baba ng hagdanan otomatiko niyang niyakap ang dalawa kung anak at sa tuwa ng mga bata yumakap din ito sa Granny nila. Nagsimula na rin magtubig ang mga mata ko sa luha ng tagpo na nakikita ko ngayon Si Charie ang anak ko ay pinupunasan nya ang pisngi ng Lola Granny nila. Tiningnan ko si Cole. “Bro salamat sa pagdala mo dito sa mga bata greatly appreciated.” Inalalayan ng mga apo niya si Mommy sa living room at pinaupo sa sofa. Pero ako ang hinarap ni Mommy. “Son you have a big e

