Alt 21: The Warmest Greeting

1029 Words
“Elana?” I called the woman in front of us. Ngumiti siya at bahagyang nilingon ang katabi, kasabay ng pag-abante nito at nang makita ko kung sino ito ay nanlaki ang mata ko. "Tobias?!" I almost screamed. I don't know why but for me, it's bizarre to see him. Or anyone I know, actually. Except Covet who was with me since before. Ngumiti siya sa amin at kumaway. Tinanguan siya ni Covet. Biglang sumingit si Asha sa eksena at nanguna nang lumapit kina Elana. Sumunod kami sa kanya.  Pagkalabas ng pinto ay bumungad sa amin ang napakataas na kwarto. Halos walang laman iyon maliban sa mga monitor. O isang malaking monitor lang yata iyon sa pader. Napakaganda noon sa paningin, parang salamin ang lahat at iisa lang ang ipinapakitang imahe. My mouth formed an O when I saw what's behind them. A big statue of Elana is standing tall at the farthest part of the room. I wonder if that's a worshipped statue? Kinikilala ba siyang diyos dito?  Wait, what is she even doing here? She's at Adi's place as far as I can remember. What happened? Nang nakalapit kami ay nginitian niya kaming dalawa. Tumigil na rin si Asha sa sinasabi rito at tumabi upang bigyan kami ng daan. Nagpasalamat kaming dalawa at nagpaalam na ito. "I shall take my leave. I will wait for you in the elevator," sabi niya. Tinanguan ko siya kahit pa hindi ko alam kung saan ang tinutukoy niyang elevator. Ngunit napagtanto ko rin agad na ang elevator ay ang pinanggalingan naming pinto kanina na umaangat. "So that's an elevator, huh?" Covet suddenly said. Napatingin ako sa kanya ngunit nalipat din ang tingin ko kay Tobi na lumapit na pala sa amin. Ngumiti ito at sumagot kay Covet ng, "Oo. Isn't it cool?" Tumango lang si Covet na ipinagtaka ko. Why does it feel like he's distant to him? Or maybe, he's just not used to Tobi's presence anymore? Well, hindi naman talaga sila close dati as far as I can remember. I just shoved off my weird thoughts and focused on what's in front of me. "So, what's your deal?" Covet blatantly asked. Nagulat ako roon. Hindi naman siya ganiyan magsalita kahit pa masasabi kong hindi siya yung tipo na magalang. I mean, he's not good but he's not this rude.  "What's with the attitude, bro?" tanong ni Tobi. Itatanong ko rin sana iyon ngunit buti at naitanong na rin ni Tobi. Tinignan ko si Covet at siniko. Pinandilatan ko siya para itigil niya ang kung ano mang ginagawa niya. Inirapan niya lang ako at iniwas ang tingin. Umalis siya sa pwesto namin at naglibot-libot sa kwarto. Bumuntong hininga ako bago hinarap ang dalawa at nginitian ng alanganin. "Pasensya na," ani ko. "Pagod kasi siya mula sa kanina pa naming paglalakad," dagdag ko pa. Ngumiti lang si Elana samantalang si Tobi ay natawa. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.  "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong ko. Humina ang tawa niya at humingi siya ng paumanhin. "Sorry. I just think he's a chicken for being exhaused over such a small walk," he said. Kumunot ang noo ko. Was he this rude before? I'm not really sure. Hindi ko na lang siya binigyang pansin sa pagtawa. "Tobi, stop. You're being rude," Elana cut him off. He then stopped his mocking laugh and coughed before saying sorry again. I just nodded to acknowledge his apology.  "Something's wrong," I said to Covet using mind voice. He didn't answer but I can see him looking at some weird looking table statues. I just turned to Elana to avoid Tobi and his weird vibes today.  "So, what brings you here?" Elana asked. That baffled me because it's not really us who chose to go here. "Uh... Shanaiya brought us here?" I answered, unsure if it's right or not. For some reason, I feel like it's not right to call her Asha right now. "Oh, right!" Mukhang nakalimutan pa yata ni Elana na dinala lang kami rito ni Asha. Natahimik na lang ako sa awkward na atmosphere namin.  Magsasalita sana siya nang may lumapit sa kanya at may ibinulong na kung ano. Biglang nawala ang kaninang permanenteng ngiti sa kanyang labi. Pati si Tobi sa gilid ay lumapit sa kanila at binulungan noong babae. "May problema ba?" tanong ko sa kanila. Umiling lang siya at muling ngumiti ngunit kita ko ang hindi makapaling ekspresyon niya. "Kovie, will you please go to Shanaiya right now? So that you can rest. We can talk later, when both you and Covet is in the mood," she said. Tumango na lang ako at naramdaman na may problema nga sila. Don't run your mouth, Kov. H'wag kang chismosa. I had to remind myself that because I really wanted to ask her what's happening. But I know that it's rude so I stopped myself. Thankfully, hindi ko naman naitanong ang mga hindi dapat. "Covet!" pagtawag ko rito. Nilingon niya ako at nang nakitang papalayo na ako sa dalawa ay agad niya akong nilapitan. "I don't like that woman," he seriously said. "I bet she doesn't like you too," pang-aasar ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin na tinawanan ko lang. Dumiretso na kami sa tinatawag nilang elevator kung saan nakita ko agad si Asha. Pagkapasok ay may pinindot agad siya. Naramdaman ko ang pagbaba namin. Namamangha pa rin ako sa tuwing nangyayari iyon dahil wala namang ganito sa lugar namin. Or should I say, sa mundo namin? Everything here is so different. Especially with the development. They're so developed and dependent on technology. Maybe because most of them are robot? Kung iisipin, wala pa akong nakikitang tao rito. Maybe they're living in a certain area? Pagkabukas ng pinto ay literal na nahulog ang panga ko. Bumungad sa amin ang isang baril na nakatutok sa ulo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Mainit ang pakiramdam ko sa baril na nakatutok sa akin. I literally just went here to this place, in this building, greeted by two unexpected people, and here we are. A gun, pointed directly at my head. Pati si Covet at Asha ay natulos pareho sa kinatatayuan. Ang malaking dulo ng baril ay tumatakip sa paningin ko para makita ang may hawak nito. Ngunit nang narinig ko ang boses niya... "Covet?" he said. "Kuya?" pagtawag ko sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD