Makalipas ang tatlumpung minuto ng pagbilad sa araw, sa wakas ay naawa na rin si Balatbat. “Salamat ho, Kapitan Tore!” sigaw ng iba ngunit kahit ako ay naririnig ko ang pait sa mga pasasalamat na iyon. Si Kapitan Tore, mas kilala bilang Balatbat sa aming mga parating napaparusahan, ay isa sa mga naunang instructors sa camp namin. Siya ang nagtuturo sa amin ng attitude na dapat naming taglayin bilang mga Hiraya. Kami raw ang kinabukasan ng lugar namin, at kailangan naming maging mahusay bilang estudyante para lumabas kaming matitinong tao. Ewan ko ba, parang hindi naman kami tumitino. “Kovie, saan ka pupunta? Sama ka sa amin, may sisirain lang kami saglit,” sabi ni Lance at inakbayan ako. Inalis ko ang braso niya at pabirong pinilipit ito. “Pass, Lance. May warning akong nakuha, bawal mun

