“Ma, sinong paborito mo sa kanila?” I asked my mother one time. Hindi siya agad na sumagot ngunit nanatili siyang nakatingin sa mga nakahilerang gawa niya sa harap namin. She smiled to me before answering.
“Si Asha, Vie,” sabi nito. Agad na kumunot ang noo ko sa sagot niya. “Are you sure, mommy?” I asked again. Her smile widened and she nodded, confirming her answer. Hindi pa rin ako makapaniwala roon.
“But why?” I asked with that whiny sound every young girl makes. “Ah-uh, Vie. We don’t make that sound here,” she immediately scolded me. Tinakpan ko ang bibig ko ng mga kamay ko at bumulong ng, “Sorry.”
Pinagpatuloy ni mama ang p*******i sa buhok ko. Nandito kami ngayon sa sala at hinihintay namin ang pagbabalik nina kuya at papa mula sa pagbili ng pagkain namin. I wanted to go but mom said it’s not a place for me.
“But why her, mommy?” I asked again. This time, I avoided the childish voice that I used earlier. My mom hates that sound so much, especially around her creations. She thinks they adapt to my voice or something.
“Because…” she trailed. My interest grew more as she delayed her answer. “She’s the hope of humanity,” she finished her sentence with a hand action, showing an explosion with her fingers.
My little innocent soul didn’t like that action. Yumakap ako sa kanya at sinabing, “I don’t like bombs, they’re loud and causes chaos.”
Marahang humawak sa braso ko si mama at inayos ang pwesto ko. Gusto ko mang magtago at yumakap sa kanya ngunit hinarap niya ako at pinantay ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko.
“No one likes bombs, Kovie. But they’re always there, waiting to be stepped on to explode and destroy anything. And I…” She pressed my hands on her chest and added, “…am going to protect you from those bombs. With them, Kovie. Your new sisters.” Her voice squeaked due to the excitement.
I frowned upon her suggested idea. These machines as my system?
“They’re not machines, Kovie. They’re humanoids, remember?”
Tumango na lang ako kahit pa nagulat ako na narinig niya ang tanong ko. Madalas na nangyayari iyon. Na may iniisip ako at bigla na lang masasagot iyon ni mama kahit pa hindi ako nagtatanong sa kanya. When I asked her paano niya nagagawa iyon, she just points at her temples.
That’s the clearest memory I have with my mother. Hindi ko alam kung bakit pero sa lahat, iyan lang ang tumatak sa akin. Iyan lang ang nanatili, para bang sobrang importante.
I’ve never liked how they were scientists, and how they were famous. The fame they have basically ruined our life. I like to think that it’s their fault. Kaysa ibaling ko sa iba, I blamed my parents. Because I was afraid that I’d turn out like them if I look at them as my heroes.
The sound of mechanisms is not new to my ears. The look of the sound waves they produce are not foreign to me either. It’s baffling me how I didn’t notice the sound waves from her earlier when she was with Covet. But now, all these noises, sound waves, small clanking of metal in her, I can almost hear it all.
“Asha… The hope of humanity…” I trailed. Her eyes bore into me as if she’s deciphering all of my life. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na tignan siya. Her soulless eyes added more definition to her true nature. A humanoid. A robot.
“I’m surprised you know me. Who are you?” she asked in a very robotic way. Hindi agad ako nakasagot sa gulat.
Gulat dahil napakapamilyar noon. Gulat dahil napakagaan sa pandinig ng boses niya. Gulat dahil hindi niya ako kilala.
Hindi ako sumasagot dahil hinihintay kong sabihin niya na kilala niya ako o naaalala niya ako. Ngunit ilang sandali ang lumipas ay nakipagtitigan lang siya. Mula sa pagiging malapit sa akin, lumayo siya at ang mga mata niya ay hindi natanggal ang tingin sa akin.
“It seems like you don’t have any answer,” she said. Napapabilib ako sa paraan niya ng pakikipag-usap. Sobrang pulido ng pagkakagawa sa robot na ito na kaya niyang makipag-usap ng diretso sa isang tao.
“I’d like to use my turn to speak now,” dagdag pa niya. Wala sa sarili akong tumango.
“I am Asha, but I go by the name of Shanaiya in my tribe. What is your name?” Her fluency in the foreign language amazes me. I even think she’s programmed to speak only English.
“Kovie…” mahina kong sabi. Napapikit-pikit ako nang bigla na naman siyang lumapit sa akin.
“Are you perhaps Kovie Royle Madriaga?”
Nagulat ako roon. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko? Sinabi ba ni Covet sa kanya? Or is it her memory? Pero kanina, umakto siya na parang hindi ako kilala.
“Yes, I am,” pagsagot ko sa kanya. “Very well, Miss Royle. Our tribe leader has allowed you and your friend’s entrance to our tribe. Please do get up and follow my every step.” The humanoid suddenly walked away from me.
“Wait!” I called her attention. Nakatali ang mga kamay ko kaya’t paano ako susunod sa kanya?
“Your hands are not tied anymore, if that is what you are about to ask. If not, I shall take a turn to go back to your front to hear what you have to say.” The flat tone of her voice shocked me. Literal na wala iyong emosyon at napakapormal ng pagkakasabi niya ng mga iyon. I think that’s how she’s programmed.
Ginalaw ko ang mga kamay ko at doon ko lang napansin na hindi na nga ito nakatali. Paano nangyari iyon? Naalala ko ang sandaling lumapit siya sa akin ng sobra.
Naabot niya ba ang tali sa oras na iyon? That’s impressive.
“Covet,” I called him using my mind voice. He nodded, even when I haven’t said anything yet. Sa tingin ko ay nabigyan na siya ng instructions kanina noong sila pa ang magkausap. Dahan-dahan ang paglalakad niya gaya ko.
Ingat na ingat akong hindi makatapak ng tuyong dahon na maaaring mag-ingay at makuha ang atensyon ng dalawang bantay. Panaka-nakang sinisilip ko rin sila pabalik.
“Ano ba ‘tong sitwasyon natin,” bungad ni Covet nang magkalapit kami. Pabulong lang niya iyong sinabi at napabuntong hininga pa. Pati tuloy ako ay napabuntong hininga at napaisip.
“Sa tingin mo, ligtas sila?” tanong ko sa kanya. Hindi ko na sinabi kung sino ang tinutukoy ko. Well, may iba pa ba akong pwedeng tukuyin?
He didn’t answer. Instead, he just stayed silent until we reached the trees. Huminto kami pareho nang biglang umikot ang robot palingon sa amin.
“We are at the end of the safe zone. I would advise you to follow my instructions more clearly now,” Asha said and turned her back at us again. She continued to walk through the trees. Now, Covet and I are left behind.
“Let’s go?” he asked. Tumango lang ako at humugot ng hininga bago humakbang palabas ng mga puno.
Suddenly, everything changed. “Woah,” I mumbled. Everything’s different from what we’ve seen so far.
Kung kanina, puro puno at kadiliman ang nakikita ko sa area na ito, ngayon ay halos wala na akong makitang puno.
All I see are buildings. Not just buildings, tall skyscrapers that I’ve only seen in our textbooks and history books. Those types of buildings that are made of glass, standing tall and looking so exquisite.
Tinignan ko ang paligid. Malayo sa banda namin ang mga building pero mukha pa rin itong malaki kahit pa malayo. Ang kinatatayuan namin ngayon ay puro lang d**o at may iilang mga puno lang sa paligid.
Hindi mo masasabing ito nga ang gubat na pinasukan namin kanina.
“Shall we continue our journey?” I snapped back to reality when Asha suddenly talked to us. Tumango si Covet samantalang ako ay hindi pa rin nakakabawi sa pagkamangha sa paligid. Everything looks so surreal.
Literally everything.
Nagpatuloy na si Asha sa paglalakad at sinusundan niya lang ang isang daan na gawa sa mga bato. Sinusundan lang namin siya sa lahat ng direksyong tinatahak niya.
Pinagmasdan ko ang paligid. Kung hindi kulay green, makukulay na mga bulaklak lang ang nakikita ko. Sa malayo, may nakikita akong parang isang field ng mga tanim. Hindi ko lang sigurado kung anong klase.
“Aray,” reklamo ko kay Covet nang natapakan niya ang paa ko. “Sorry,” sabi niya. Hinayaan ko na lang ngunit nang naulit ay itinulak ko na siya papalayo. Sinamaan niya ako ng tingin na ibinalik ko lang.
“Please do not step off of the pavement,” bigla niyang babala. Nagulat kaming pareho roon ni Covet ngunit agad akong pumunta sa gitnang banda ng daanan. Itatanong ko pa lang sana kung bakit ngunit agad niyang dinugtong na, “You would not like to see what the result is.”
Ilang minuto pa ng paglalakad at pagtutulakan namin ni Covet para sa gitnang pwesto sa daanan ay sa wakas, nakarating na kami sa bungad ng siyudad.
“This is the only way in and out of the place. Our tribe is very strict so please do not wander off far away from me.” Her small robotic voice lingered in my mind as we walked inside the place. I’m in awe when I saw everything that’s inside.
Everything is breathtaking. Even more when you’re this close to the buildings, the establishments, and the small houses around. Everything looks so surreal. It’s like mother nature just puked around technologies.
One word for everything: innovation.
“We are going to the tribe leader now,” she said. Tumango kami at sumunod sa kanya. Dinala niya kami tungo sa building na nasa gitna ng siyudad. Ito rin ang pinakamataas at halos hindi ko mabilang ang palapag noon. Siguradong pagod na pagod kami bago pa marating ang tuktok.
Pagkapasok pa lang namin, halos sampalin na ako ng monitors. Literal.
Monitors were everywhere. Also, humanoids.
Yes, puro humanoids ang nakikita ko. Wala pa akong nakikitang totoong tao. Or at least, wala pang naglalabas ng sound waves na tulad ng t***k ng puso ng isang tao.
Lahat sila ay mukhang tao. Ang balat, ang bawat hibla ng buhok, bawat galaw ng mukha sa tuwing nagsasalita ito.
They’re like… Ellana.
I suddenly remembered her. Naiwan namin siya roon sa maliit na kwarto, sa pagkakaalala ko. I wonder if she’s okay? I mean, is she still functioning? Pakiramdam ko’y responsibilidad ko siya dahil gawa siya ni kuya.
Patuloy lang sa paglipad ang isip ko habang nakasakay kami sa tinawag ni Asha na elevator. Para lang iyong normal na pinto na nagpapapapasok sa amin sa isang maliit na kwarto at apparently, iaangat kami noon sa bawat palapag para mas mabilis at iwas pagod.
That answered my question on how we’re going to go upstairs.
May biglang nag-ring at bumukas na ang pinto. At hindi ko inaasahan ang bumungad sa amin.
“What are you doing here?” I asked the woman standing in front of us. She smiled and my mouth dropped when I saw another familiar person beside her.