Binagsak ko ang sarili ko sa lupa at sumandal sa isang malaking bato sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang ginawa nilang apoy at kung paano ito sumasayaw sa ihip ng hangin sa paligid nito. Nag-iihaw si Krys ng nahuling isda kanina nina Accel sa nadaanan naming sapa. “Kain na,” sabi ni Ayla at naglahad ng stick na may isda sa harap ko. Naupo siya sa gilid ko habang nakaabot pa rin ang stick. Wala sa sarili ko itong kinuha kahit pa alam kong wala akong gana kumain. Habang naglalakbay kami kanina, may kakaiba akong nararamdaman. Para bang may nakasunod sa amin o nagmamasid. Hindi ako mapakali noon kaya’t sinabi ko kay Krys na ipinarating kay Adi. Katabi ni Adi noon si Accel kaya’t narinig niya at pinagsigawan sa lahat. “Ang tanga mo Accel!” gigil na sigaw ko bago siya binatukan. Napa-aray siya at

