Dumiretso na ako sa dapat naming pupuntahan. Naalala ko ang pinakitang lokasyon sa amin at ang blueprint ng bahay mismo nila Adi kaya't alam ko na ang daan tungo sa bakod. Dumiretso ako roon at pagkalabas ay madilim na paligid ang bumungad sa akin.
Walang masyadong laman ang likod nila maliban sa isang lawa, mga malalaking bato, isang mahabang upuan at isang maliit na bahay o kwarto. Hula ko ay isa itong storage room o lalagyan ng kung anong mga gamit. Naupo ako sa malaking tipak ng bato na malapit sa isang maliit na lawa.
Tanging katahimikan ang kasama ko sa paghihintay. May paminsan-minsang tunog ng hayop akong naririnig. Marahil ay galing 'yon sa maliit na gubat na malapit dito. Ang maliwanag na buwan ay natabunan na ngayon ng ulap. Tinitigan ko 'yon at pinagmasdan ang paggalaw ng ulap sa ilalim ng liwanag ng buwan.
May biglang naupo sa katabing bato ng kinauupuan ko. Tinignan ko si Adi at agad na iniwas ang tingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang iba naming kasama na naglilibot-libot. Bumuntong hininga ang katabi ko.
"Sorry," sabi niya.
"Pasensya na," sabay na pagkakasabi ko sa sorry niya. Nagkatinignan kami at natawa ako ng bahagya. Napangiti rin siya at umiwas ng tingin sa akin.
"Bakit ka nagso-sorry?" tanong ko sa kanya. Nakatingala na ulit ako sa buwan at kita ko sa peripheral vision ko na nilingon niya ako sa tanong ko.
"Alam kong na-offend ka sa sinabi ng papa ko." Marahan ang pagkakasabi niya no'n na para bang nahihiya siya. Tumango lang ako bilang sagot. Why would I deny that I'm offended when it's obvious because of my remark. It's not like I'm hiding my hatred anyway.
"Sorry dahil nasabihan ko siya ng gano'n sa harap ng iba," sabi ko naman. Tumango siya at tulad ko ay tumingin sa buwan.
Kahit pa hindi ko gusto ang sinabi ng tatay niya ay alam ko rin na mali ang ginawa kong pagsagot ng pabalang sa kanya sa harap ng ibang tao. I was rude to a rude person. I became the man I'm hating and I didn't like it that's why I said sorry to Adi instead.
"So kung wala ang iba sa hapag, sasabihin mo sa kanya 'yon?" tanong niya. Wala sa sarili akong tumango at natawa naman siya. Nang na-realize ko ang sagot ko ay napairap na lang ako sa kalokohan niya.
"Kov!" tawag ni Krys sa akin. Tinaas ko ang kilay ko at minuwestra niyang lumapit ako. Bumuntong hininga ako bago tumayo at dumiretso sa pwesto nyia. Naroon siya malapit sa bahay na maliit habang hawak ang kanyang tablet. Tinignan ko ang pinapakita niya. May malaking kulay pula sa direksyon ng bahay.
"Anong meron?" tanong ko.
"I'm detecting some kind of device breach. Maybe a security breach? I think may file na gustong pumasok sa tablet ko. Hindi ko sigurado kung ano 'yon kaya hindi ko hinahayaang makapasok. I can block it but it's persistent unlike other viruses that repels with my own antivirus software."
Hinayaan ko siyang magpipipindot sa tablet niya at inantay na makahanap pa siya ng dagdag na impormasyon.
"Don't you think it's weird?" bigla niyang sabi. Kumunot ang noo ko sa kakaibang tanong niya. She pouted and massaged her chin.
"What's weird?" I asked. She shrugged her shoulder before answering, "The fact that the file is coming from inside this small house."
Natigilan ako. Kung iisipin ay may kakaiba nga. Saktong nakatutok sa maliit na bahay na ito ang direksyon ng pinanggagalingan ng sinasabi niyang file at dito pa talaga sa lugar kung saan kami pinapunta ni Doktora Kovie.
"What if it's from Doktora Kovie?" mabilis na baling ko sa kanya. Tinignan niya ako at nag-isip.
"Paano kung hindi?" pagbabalik niya ng tanong. Natahimik ako roon. That's the bad side. We don't know which side of the coin we'll get with the little to no info we have against this file or virus.
"Hindi natin sigurado kung virus ba 'yan o galing kay Doktora Kovie. Wala bang paraan para malaman ang laman ng file?" tanong ko sa kanya. She maneuvered her tablet to find anything regarding the virus. After a few minutes of scrolling and tapping, she shook her head as a sign of no.
I shrugged my shoulder. Napaisip ako at napatingin sa bahay. It's a small one storey house, almost like a play house of a child that I've seen somewhere from books that are made outside. Except that it's not really pink and something a little girl would enjoy.
"Eh kung pasukin natin ang bahay?" suhestyon ko. Napatingin si Krys sa likod ko at sinundan ko ang tinitignan niya. Sina Adi at Covet pala. Papalapit na sila sa pwesto namin at mukhang narinig pa nila ang huli kong sinabi.
"You mean that storage?" tanong ni Adi. He's the son of the owner of this small house so he knows it's a storage. Tumango kaming dalawa ni Krys bilang sagot sa kaninang tanong niya. Matagal siyang nag-isip at pinagmasdan ang bahay.
"Hindi pa ako nakakapasok diyan," pag-amin nito pagtapos ng isa o dalawang minutong pananahimik. Nagulat kami roon ni Krys pati na si Covet sa tabi ni Adi. Nalaglag ang panga ko sa kakaibang impormasyon na iyon.
Posible bang hindi pa siya nakakapasok dito? Parte ito ng bahay nila at sa ilang taon nilang pagtira rito, parang imposibleng may sulok pa siyang hindi nabibisita. Gano'n ba kalaki ang bahay nila para mahirapan siyang bisitahin ang isang parte sa ilang taong pagtira rito?
"Sigurado ka ba? Alam mo kung anong nasa loob?" tanong ni Krys.
"Hindi. Wala akong nakikitang pumapasok diyan maliban kay papa so I never dared to get in that house." paliwanag nito. So this is his father's den? He looked at me and added, "When I asked him before, he only said that it's a storage."
"Pwedeng pumasok?" tanong ni Krys. Natahimik si Adi roon. Kinurot ko si Krys at iniba na lang ang direktang tanong nitong isa.
"Nandyan pa papa mo?" tanong ko. Umiling si Adi at magsasalita pa sana nang sumingit si Covet para magpaliwanag.
"Noong umalis kami ay paalis na rin siya," sabi nito. "So hindi niyo sigurado kung nakaalis na?" pagkukumpirma ko. Tumango ito at napangiwi ako sa bigla nitong pagsingit tapos hindi pala siya sigurado. Nang napansin ang pag-asim ng mukha ko ay bigla niyang tinawag si Tobi.
"Bakit?" bungad na tanong ni Tobi pagkalapit sa aming apat. Ngayon ay sa kanya naman kami nakatutok. Napaatras ako nang bigla niyang inilapit ang kamay sa pisngi ko. Nagsalubong ang kilay ko sa kakaibang inaakto niya.
"Anong ginagawa mo?" sabi ko habang tinitignan siya ng matalim. "May nahulog kang pilik mata," sabi nito at nagkibit balikat. Muli niyang nilingon si Covet na nagtanong sa kanya kanina.
"Hindi ba nagbanyo ka pa noong umalis na tayo sa dining table? Nakita mo bang umalis si General Rosario ng bahay mismo?" tanong ni Covet. Nag-isip pa si Tobi sandali bago tumango.
"Ew, nagbanyo ka? Naghugas ka ba ng kamay?!" sabi ko at mabilis na pinunasan ang pisnging hinawakan niya. Tinignan ko siya ng masama at halos sapakin ko na ang masaya niyang mukha. Kadiri!
May nag-abot sa akin ng panyo. Kinuha ko ang bigay na panyo ni Adi at pinunasan ang pisngi. Si Krys naman ay may binigay na sanitizer sa akin na pinahid ko na agad sa pisngi ko. Kinilabutan ako sa isiping hindi naghugas ng kamay 'tong si Tobi pagtapos magbanyo.
"Paglabas ko ng banyo saktong nakita kong lumabas siya bitbit ang suitcase niy— "
Hindi pa tapos sa pagsasalita si Tobi ay hinila ko na si Adi at dinala papuntang pinto ng maliit na bahay. Tinuro ko 'yon bilang pahiwatig na buksan niya 'yon.
"I don't know the password," tanggi ni Adi. Napabuntong hininga ako sa katangahan. Oo nga pala, hindi pa siya nakakapasok dito. Nilingon ko si Krys at tinanong, "Kaya mo bang hack-in or something?"
Hindi ito sumagot ng oo ngunit hindi rin ito humindi. Kinuha ko 'yon bilang sagot na may tsansang magawa nga niya 'yon. Hinayaan ko siyang magpipindot sa tablet niya. Nilingon niya si Adi pagkatapos ng ilang minuto.
"Saan yung lock?" tanong ni Krys sa kanya. Lumapit ito sa pinakagilid at may pinindot na dulo ng kahoy para umangat at sa ilalim nito ay nakita namin ang isang maliit na keypad. Namangha ako roon. Akalain mong ganito ka-advanced ang teknolohiya sa simpleng bahay lang na ito.
Makes me think there's something important, huh?
Habang nagkakalikot si Krys ay tinawag ko na si Accel na tumitingin sa maliit na lawa roon. Si Ayla naman ay nakaupo lang sa bangko kanina pa. Kinawayan ko siya at nakuha niya naman ang ibig kong sabihin at tumayo na para makasabay sa akin.
"Pagod ka na?" tanong ko rito para maibsan ang katahimikan.
"Oo," sagot nito at humikad. Napahikab din tuloy ako habang pabalik kami sa bahay na maliit. Saktong pagbalik ay sinabi na ni Krys na nabuksan na.
"Sinong unang papasok?" tanong ni Krys. Tinignan ko ang kaliwa't kanan ko para makita kung mayroon bang nagpresinta. Walang nagtaas ng kamay kaya't kinurot ko ang pipikit-pikit na si Accel sa gilid ko at sa gulat ay nailayo niya ang kamay at tinaas ito.
"Aray!" sigaw niya habang hinihimas ang braso. Nakipagpalit ako ng pwesto kay Ayla na tulog na yata habang nakatayo at lahat kami ay bumaling kay Accel na nakataas ang kamay.
"Pasok na," sabi ni Krys sa kanya. Walang ideya ito ngunit pumasok na lang siya dahil sa utos ni Krys. Tinulak niya ang pinto at pumasok na. Sumunod din kami agad ngunit hindi nakabukas ang ilaw kaya wala kaming makitang kahit ano.
"Sinong may flashlight?" rinig kong tanong ni Krys. May tatlong flashlight na nagbukas. Isa kay Covet, kay Adi, at kay Krys mula sa tablet niya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil mayroon naman pala siya ngunit naghanap pa siya. Nag-peace sign lang siya sa akin.
Biglang bumukas ang ilaw. Nahanap na pala ni Adi ang ilaw sa tabi ng pinto. Nilibot namin ang tingin sa loob at nang narinig namin ang pagsara ng pinto ay literal na sabay-sabay namin iyong nilingon. Tinignan ko si Adi na malapit sa pinto.
"Bakit mo sinara?" asik ko. Kumunot ang noo niya.
"Hindi ako ang nagsara. Akala ko ikaw Tobi?" baling naman niya sa lutang na si Tobi. Napakurap ito bago umiling at sumandal sa pinto. Tinulak siya ng bahagya ni Adi at sinubukang buksan ang pinto ngunit isang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring nangyayari.
"Ano na?" tanong ko. Nilingon niya ako at tinuro ang pinto.
"Walang hawakan," katwiran niya. Nagsalubong ang kilay ko roon. Paanong walang hawakan ang pinto? Lalapit sana ako nang biglang tumili si Krys sa gilid ko. Agad ko siyang nilingon at sinundan ang line of vision.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. May isang babaeng nakasabit sa isang sulok ng kwarto. Kalahating katawan lang nito ang kita dahil sa lamesang nakaharang sa kanya. Nakaupo siya at nakatingin sa amin.
Maganda ang babae. Mahaba ang buhok at kahit sa ganitong layo ay masasabi kong maganda ang mata niya. Parang pamilyar pa nga. Dahan-dahan akong lumapit at mas lalong nadepina ang kagandahan nito. Ang maalon nitong kulay itim na buhok ay bagay na bagay sa makinis at maputi nitong mukha. Para itong porselana sa kinang ng mukha na para bang gawa ito sa salamin.
Ang matang malaki at itim na itim ang siyang bida sa kanyang mukha. Nakangiti ito at pati ang porma ng ngiti ay pamilyar para sa akin. Saan ko nga nakikita ang ganyang ngiti?
Mas lumapit pa ako at mas lumaki ang ngiti niya. Sa puntong iyon ay natakot at kinabahan ako. Nakapagtatakang wala itong sinasabi kahit pa nakita kaming pumasok dito. At bakit nga ba siya narito?
Kaunting lakad pa ay makakalapit na sana ako sa mesa niya nang pigilan ako ni Covet at hinila sa kamay. Nilingon ko siya at tinanggal ang pagkakahawak niya. "Bakit?" tanong ko sa pagtataka sa kilos niya. Umiling lang siya.
"Hindi natin siya kilala. Paano kung mapahamak ka?" sabi nito. Nanahimik na lang ako dahil tama nga naman siya. Ngunit nang nilingon ko ang babae ay hindi maalis sa akin ang pamilyar na ngiti at mata nito. Para bang matagal ko na itong tinititigan.
"Adi, kilala mo?" rinig kong tanong ni Covet kay Adi. Nilingon ko siya para malaman ang sagot ngunit umiling lang ito. Nabaling ang tingin ko kay Tobi na natulala sa babae. Kilala ba niya?
"Kilala mo, Tobi?" Ang itatanong ko sana ay nauna nang itanong ni Ayla na mukhang nawala na ang antok. Si Accel naman ay nasa gilid ni Krys at inaalalayan ito sa halatang pagkagulat sa babae. May kaunting takot si Krys sa tuwing nagugulat siya lalo na sa mga taong bigla na lang sumusulpot kaya't hanggang ngayon ay hindi pa siya mapakali.
Muli kong binalingan si Tobi na hindi pa rin sumasagot. Nag-antay lang kami ng sagot ngunit nang sobrang tagal na ay nilapitan ko siya at pumitik sa harap niya. Nagulat siya at napakurap-kurap mula sa pagkatulala.
"H-Hindi," ani Tobi. Tumango na lang ako kahit pa may kaunting pagdududa sa reaksyon niya. Nilapitan ko si Adi para magtanong.
"Sigurado kang hindi mo kilala? Hindi ba 'to kabit ng tatay mo?" dire-diretso kong sambit. Nakita ko ang pagkagitla niya sa diretso kong pagtatanong. Nalaglag ang panga ni Accel sa gilid na nakikinig pala sa amin.
Bigla akong hinila ni Covet at tinakpan ang bibig. Pilit ko iyong tinanggal ngunit nang bahagya kaming nakalayo kay Adi na ngayon ay kausap ni Accel at Krys ay tsaka niya lang tinanggal ang takip sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba?" asar kong sabi. Pinunasan ko ang bibig kong namanhid yata sa diin ng pagkakatakip niya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Wala ka bang isip? Bakit mo itatanong kay Adi 'yon?" galit na sabi nito. Natigilan ako at ako mismo ay hindi mapakali nang naalala ang tinanong ko. Bakit mo ba sinabi 'yon Kovie?!
"N-Nagulat lang ako," mahina kong sabi. Tinignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala at sinabing, "Alam mo bang nagpakamatay ang mama ni Adi dahil sa pambababae ni General Rosario?"
Natulos ako sa kinatatayuan ko. Ang tingin niya sa akin ay para bang sinasabing dapat lang sa akin na makaramdam ng guilt sa sinabi ko. Mas lalo akong kinain ng konsensya nang tinignan ko si Adi at naalala ang kaninang pag-sorry niya para sa tatay niya.
Bumuntong hininga si Covet at umiling. Nanatili akong nakatingin kay Adi at napayuko nang nilingon niya kami. "Ano nang gagawin mo ngayon?" tanong ni Covet sa tabi ko. Kinagat ko ang labi ko at napahawak sa tenga.
"Uh..." wala akong masabing plano dahil hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad kay Adi. Nahihiya ako at hindi ko alam kung mahaharap ko siya. Tinignan lang ako ni Covet samantalang si Krys ay biglang sumulpot sa tabi ko.
"Okay lang daw, sabi ni Adi. Sinabi kong hindi mo alam ang nangyari sa kanya," paunang sabi nito pagkalapit sa amin. Gusto ko nang lumubog sa lupa sa hiya. Una ay may nasanggi akong malalim na sugat ni Adi, tapos ngayon ay si Krys pa ang luminis ng kalat ko?
"Hihingi ako ng tawad," sabi ko sa pinal na boses. Tumango si Krys at sinama ako patungo sa kaninang pwesto kung saan nag-aabang si Adi at Accel. Nakangiti si Accel ngunit sumi-signal na 'lagot ako' at nang-aasar pa ang mukha. Sinimangutan ko siya.
"Adi, sorr--"
"Ikaw si Adi?" sabi ng babae. Natigil ako sa pagsasalita at lahat kami ay napatingin sa kanya. Nakatingin lang siya kay Adi habang sinasabi iyon. May kakaiba sa boses niya. Parang hindi normal na boses. Parang...
"Boses ng isang robot," sabi ni Krys. Nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Isa siyang robot?!
"Addison Rosario, son of General Javier Rosario. Good evening." Ang boses nitong robot talaga ay nangibabaw sa muli nitong pagsasalita. Hindi ako makapaniwalang robot ito. Sa kinis at pino ng detalye niya ay para siyang isang tao.
Dahan-dahang lumapit si Adi sa robot ngunit tumigil din sa kalagitnaan. Si Covet ay bahagyang lumapit at parang may binabantayan. Si Krys naman ay sumunod sa dalawa kaya't sumama na rin ako pati na si Accel. Ang dalawa sa likod na si Ayla at Tobi ay nanatili lang sa kanilang pwesto at halatang hindi pa napoproseso ang nakuhang impormasyon.
"Covet pigilan mo si Adi," pagtawag ni Krys kay Covet nang nagsimula na namang lumapit si Adi sa robot. Nagulat kami sa biglang paglingon nito kay Covet. Ang nakakatakot pa ay ang pag-ikot ng mismong ulo nito. Hindi nga ito tao dahil walang tao ang mabubuhay pa sa ganong ikot ng leeg.
"Coss Vermath Flores. I have a package for you."
Walang nagsalita sa amin pagtapos. File? For Coss Vermath?
"Sino si Coss Vermath?" mahinang bulong ko kay Krys ngunit nagulat ako nang ako naman ang nilingon ng robot.
"Coss Vermath Flores, also known as Covet," the robot said with its usual robotic voice. Napangiwi ako sa katalasan ng pandinig nito. Akalain mong narinig pa niya ang bulong ko mula rito.
"What package? From who? From where?" sunud-sunod na tanong ni Covet. Nag-antay kami ng sagot sa robot na pati si Adi ay nahinto na sa paglapit.
Biglang tumayo ito at ngayon ay kitang kita ko na kung paano siya naging robot. Ang kalahating katawan nito hanggang baba ay diretsong pa-rectangle lamang at puro bakal na. Hindi na nagawa ang ibabang parte ng katawan ng tao.
Tumalikod ito sa amin ngunit umikot ang ulo paharap sa amin na ikinagulat namin. Kahit pa alam kong robot siya ay hindi pa rin ako sanay na makakita ng biglang pag-ikot ng ulo nito, lalo na sa anyo niyang parang tunay na tao talaga! Imagine a human head rotating 180 degree?!
Biglang bumukas ang likod niya. Literal na bumukas ito at lumabas ang isang monitor. Noong una ay wala pang nagpi-play ngunit nang tignan ko ang mata niya ay nag-iba ang kulay nito at nagkulay asul kumpara kaninang itim na itim. Nang kumurap siya ay kasabay noon ang pag-play ng isang video. Nanlaki ang mata ko sa nakita.
"Kovie Royle. Sana agad mo itong nahanap," sabi nito at bahagyang ngumiti. Inaasahan na pala niyang mahahanap ko ito.