Napagpasyahan naming manatili sa isang maliit na kweba na nakita nina Adi noon. Dito raw sila nagtago habang may g lahat na lakbayin tungo rito. Medyo malayo ito sa kaninang kapatagan dahil malapit ito sa mga bundok. Kinailangan naming maglakad kanina ng malayu-layo.
Buti nga at umabot kami rito bago tuluyang magdilim. Masyadong malaki ang tsansang makasalubong namin ang isang ligaw na hayop sa daan. Hindi pa naman kami pamilyar sa lugar kaya’t lugi kami kung tatapatan ang mga tunay na nakatira sa gubat na ito.
Binagsak ko ang sarili ko sa lupa at sumandal sa isang malaking bato sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang ginawa nilang apoy at kung paano ito sumasayaw sa ihip ng hangin sa paligid nito. Nag-iihaw si Krys ng nahuling isda kanina nina Accel sa nadaanan naming sapa.
“Kain na,” sabi ni Ayla at naglahad ng stick na may isda sa harap ko. Naupo siya sa gilid ko habang nakaabot pa rin ang stick. Wala sa sarili ko itong kinuha kahit pa alam kong wala akong gana kumain.
Habang naglalakbay kami kanina, may kakaiba akong nararamdaman. Para bang may nakasunod sa amin o nagmamasid. Hindi ako mapakali noon kaya’t sinabi ko kay Krys na ipinarating kay Adi. Katabi ni Adi noon si Accel kaya’t narinig niya at pinagsigawan sa lahat.
“Ang tanga mo Accel!” gigil na sigaw ko bago siya binatukan. Napa-aray siya at agad na lumayo sa akin. Nakangiwi siya at hinihimas ang parte na natamaan ko. Inirapan ko siya sa kaartehan niya.
“Bakit ako pa ang tanga?” sabi ni Accel. “Ikaw nga paranoid, eh!”
Hahambalusin ko pa sana siya ulit ngunit humarang na si Covet at Adi. Sa sobrang gigil ko ay nasipa ko ang paa ni Covet kaya ang ending ay ako pa ang nagbuhat ng mga bitbitin niya dahil hindi siya makalakad ng maayos.
All because of Accel’s stupidity!
Ipagsigawan ba namang may napapansin akong sumusunod? E ‘di umalis na ‘yon!
Nanggigigil pa rin talaga ko kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Sa sobrang gigil ko ay nadurog ko ang stick ng isda nang hindi ko namamalayan. Kinuha iyon sa akin ni Ayla at nilayo. Tinignan ko siya ng nagtataka.
“Matulis ‘to Kov,” sabi niya. Mas lalo akong nagtaka dahil alam kong matulis ang stick, pero ano naman? “Baka masaksak mo si Accel bigla. Ang sama pa naman ng tingin mo sa kanya,” dagdag pa ni Ayla. Muli kong binalingan si Accel at nang nakitang nakatingin siya sa nadurog na stick ay cel sa pwesto niya at agad na umalis papalayo sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.
Akala ba niya siya ang pupuntahan ko?
“Ambisyoso,” sabi ko sa kanya gamit ang mind voice. Wala akong narinig na reply kaya’t dumiretso na ako kay Krys na kumakain na ngayon. She tapped the space beside her when she saw me.
Naupo ako roon. Inalok niya sa akin ang isda niya. Kumurot lang ako ng parteng tustado at saka nagpapak. Katahimikan ang namayani sa amin habang pinagmamasdan ang malikot na apoy.
“Kov,” pagtawag niya. Lumingon siya kaya’t nilingon ko rin siya habang nag-aabang ng sasabihin niya. “Don’t get too comfortable with mind voice. Napaliwanag ko na sa lieutenants kung paano mo nalaman ang tungkol diyan pero hindi ako sigurado kung sang-ayon ang lahat.”
Tumango ako roon. Nakapagtataka lang na may tsansa pa lang magalit sila sa akin dahil alam ko ang tungkol sa mind voice. I mean, I know more than this but I think it’s not the best choice to reveal them. Mukhang nabasa ni Krys ang kaguluhan sa mukha ko kaya’t siya na mismo ang nagpaliwanag.
“Ang mind voice ay project ko, ni Tobi, Adi, Covet, at Aiden. Kaming lima ang gumawa ng lahat pero hindi sa amin galing ang formula. We just followed an old manuscript that the government found from the items left by the members of… Expedition 51.” Humina ang boses niya sa huling sinabi. Nagulat ako roon.
Hindi nabanggit ni kuya sa akin na galing ito sa isang E-51 member. Ang naaalala kong sinabi niya lang sa akin ay isa itong bagong project ng mga lieutenants at gusto niyang magkaroon ako nito na magagamit ko rin daw sa tamang panahon.
I think the right time he’s talking about was yesterday. The weird situation Krys and I got stucked in definitely made me use all the benefits of the mind voice. Sa sobrang beneficial ay masasabi kong isa ito sa mga dahilan kung bakit pa kami buhay. At kung bakit hindi pa kami bingi.
nya. Muli siyang umiling na ipinagtaka ko. Anong hinihindian niya, kung gano’n?
“Hindi namin kilala,” mahinang sabi niya pagtapos ng ilang sandaling katahimikan. Natigilan ako roon. Hindi nila kilala? Is that possible?
“Paano niyo nakuha ang manuscript?” tanong ko kay Krys. “Binigay ng nakatataas sa amin. Then they instructed us to follow everything written, and to find out the missing parts of the manuscript,” Krys answered.
“So hindi kumpleto ang manuscript? Ibig sabihin, may parteng kayo na talaga ang nag-isip?” sabi ko at tumango agad siya. That means…
“Can you explain to me how mind voice works?” tanong ko na ikinagulat niya. Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala. “Pero hindi ba, meron ka naman?” Bakas ang pagtataka sa boses ni Krys nang itanong iyon sa akin.
“Meron nga,” sabi ko at umiwas ng tingin. “Pero hindi ko alam lahat ng sakop since hindi naman naipaliwanag lahat ni kuya dahil… you know,” dagdag ko pa at tumango siya.
“Oo nga pala.” Her voice quivered a bit. Maybe she remembered my brother?
“Well, just as the name suggest, it’s a voice in our mind,” Krys said. “Ginagamit namin siya para sa private conversations kahit pa magkakalayo kami. Easier communication and more private,” she explained.
“Krys, Kov!” Sabay naming nilingon si Accel nang tinawag kami. Nagtaas ako ng kilay at si Krys naman ay sumagot ng, “Ano ‘yon?”
“Punta kayo rito!” maligalig na sabi nito. Wala akong nagawa nang hilahin ako patayo ni Krys at tinulak papunta sa kanila. Pagdating doon ay nakita ko na ang ikinatutuwa ni Accel.
May nilutong sabaw si Ayla. Mukhang may isda roon at hinaluan nila ng kaunting gulay, hindi ko alam kung saan nila nakuha. Agad na sinakop ng mabangong amoy ng pagkain ang ilong ko.
Hindi ko mapigilang mapalapit pa para mas maamoy ang pagkain. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, natapakan ko ang isa sa mga kahoy na gamit nilang pandingas at bigla iyong lumipad pataas. Sabay-sabay ang pag-atras namin papalayo sa pabagsak na nagbabagang kahoy.
“Kovie!” sigaw ni Krys sa gulat. Napahawak pa siya sa braso ko ngunit pati ako ay walang balance kaya naman dalawa kaming nahulog papaupo. May natamaan pa kaming tao sa likod at narinig ko ang pagrereklamo ni Tobi.
“Ang bigat niyo! Lalo ka na, Krys!” reklamo nito. Binatukan siya ni Krys kaya’t agad siyang nanahimik. Si Adi, Covet, at Accel ay nasa gilid samantalang si Ayla ay hindi man lang tumayo sa pwesto at bahagyang umatras lang. Naibalik na nila sa pwesto ang kaninang lumipad na kahoy.
“Ang likot mo kasi Kovie,” paninisi ni Accel. Pinandilatan ko siya ng mata at inirapan. Muli akong bumalik sa panonood kay Ayla habang nagluluto. Ang totoo’y nae-enjoy ko lang talaga ang amoy ng luto kaya ako nandito.
Makalipas ang ilang minutong pag-aasaran nila ay sa wakas, luto na ang ulam namin. Ako ang nanguna sa pagkuha, nauna pa kay Ayla. Tinignan niya ako at tinawanan. Kinuha niya ang plato ko at may inilagay na dahon.
“Parsley,” aniya habang inaayos ang pagkakalagay ng dahon. Tumango lang ako kahit pa hindi ko naman talaga naintindihan ang sinabi niya. Wala akong pake sa mga dahon, bakit pa ba nila inaayos kung guguluhin ko rin mamaya? Matutunaw din ‘yan sa tiyan ko.
Inabot niya sa akin iyon at nginitian ako. Nginitian ko rin siya ngunit mabilisan lang at agad na akong naghanap ng pwesto. Mabuti pala at nauna ako kung hindi matutulad ako kay Accel na huling pinakuha dahil nabangga niya si Ayla kanina habang nagsasandok.
Nakatayo lang siya sa gilid habang kumakain. Lahat kami ay tahimik at humihigop ng kanya-kanyang sabaw. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na ang layo na ng narating namin.
Hindi pa rin namin alam kung paano kami napunta rito. Sa huling pag-uusap naming lahat, tinanong ko sila kung ano ang huling naaalala nila. Hindi tulad sa nangyari sa amin ni Krys, pagkamulat pa lang nila ay nandito na sila sa lugar na ito.
Isa pa ‘yan. Hindi pa rin namin alam kung anong lugar ito. The weird thing is, walang nakaranas ng naranasan namin ni Krys. Yun bang may kakaibang mga nangyari sa katawan namin. Wala sa kanila ang may ganung kwento dahil diretso agad sila rito.
Kahit si Covet at Ayla na nahiwalay ay ganoon din ang sinabi. Hindi nila alam ang nangyari basta’t nagising sila sa malakas na pagyanig. Una ay inakala nilang lindol iyon ngunit may grupo raw ng hayop na nagtatakbuhan kaya’t sobra ang pagyanig ng lupa. Doon din sila nagising at muntik pa raw madaanan ng mga ito kung hindi sila nagising sa oras.
Sina Adi naman ay nagising lang sa malapit sa kweba na ito. Aniya’y hindi sila magkakasamang nagising. Siya ay sa ilalim ng isang puno. Madali lang din silang nagkita dahil naisip agad ni Adi ang mind voice na nagamit nila sa pag-uusap. Although nahirapan sila kay Tobi dahil wala pala itong malay noong una. Mabuti na lang at nadaanan siya ni Accel habang papunta ito sa napag-usapang kitaan kasama si Adi.
At kami, nakaranas kami ng kakaibang pangyayari. Almost like a dream, except that the pain we felt are all real.
Hindi namin naikwento ang lahat, payo na rin ni Adi. Sabi niya ay mas maguguluhan lang ang lahat kung malalaman nila ang ganoong pagkakaiba sa naranasan sa amin. Sumang-ayon naman si Krys kaya’t hindi na lang din ako nagsalita.
At ngayon, nandito kami sa kweba at nagpapahinga. Sa oras na makabawi na kami ng lakas at magkaroon ng sapat na pahinga ay agad kaming aalis para maghanap ng ano mang paraan para makapunta kay Doktora Kovie.
Speaking of her, hindi pa siya nagpaparamdam. Ayon kay Krys, ang instruction sa kanya ay agad kaming malo-locate ni Doktora Kovie sa oras na tumapak kami sa mundo niya. Nasabi na lang ni Krys na siguro ay dahil sa liblib na lugar kami kaya’t medyo natatagalan si doktora. Sana nga.
Tapos na ang lahat sa pagkain at ang iba ay naghahanda nang matulog. Ako rin, matutulog na agad dahil gusto ko talagang maisagawa ang maaga naming pag-alis. Sanay na akong maaga magising dahil sa mga training namin sa lugar namin.
Mabuti talaga at nag-empake kami. May kanya-kanya kaming dalang nagagawa naming higaan. Tulad ko, mayroon akong compressed mat na gawa ni kuya para mas madali itong mabitbit. Inilalagay lang ito sa sealed plastic para hindi ito mag-inflate ng sobrang laki kapag hindi kailangan. Ngayong nakalatag ay sakto lang ito para mahigaan ko.
“Good night,” mahinang sabi ni Ayla. Magkakatabi kami ng pwesto nina Ayla at Krys dahil kami lang ang mga babae rito. “Good night din,”sagot naman ni Krys. Tumango lang ako at pumikit na.
Pagkadilat ko ay hindi ko alam kung magugulat ako o dapat ba ay sanay na ako. Puro itim na naman ang paligid ko. Nothing more, nothing less.
Naglakad-lakad ako at napansin ang sumusunod na ilaw sa akin. Para itong spotlight na hindi maalis sa akin habang naglalakad ako kahit saang direksyon pa ako magpunta. Tumingala ako para hanapin ang maaaring source nito ngunit agad ding iniwas ang tingin nang halos mabulag na ako sa liwanag nito.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at naghanap ng kahit ano. As in, kahit ano na lang talaga. Tulad nitong isang piraso ng ubas. Pupulutin ko na sana nang dumampi pa lang ang balat ko ay pakiramdam ko’y nasunog na ito.
Tinignan ko ang daliri kong naidikit ko at nakitang may nasunog na parte roon. Muli kong tinignan ang ubas at mukha naman itong ordinary. Iniwas ko ang sarili ko roon at nagpatuloy na sa paglalakad.
Kaunting layo lang ay nakakita naman ako ng isang puno. Malaki ito at malapad, masasabi mo ring matanda na ito sa taas at yabong nito. Pati na rin sa mga baging na nakasabit dito ay masasabi mo talagang matibay ang pundasyon ng puno. Napatingin ako sa katawan ng puno. May isang tao roon na nakatayo.
Nanliit ang mat ako habang sinusubukang kilalanin ang naroon. Nang mas nakalapit ako ng bahagya ay nakita ko na sa wakas. Si Doktora Kovie! Hinawi ko ang mga baging na nadadaanan ko at nang malapit ako ay nagulat ako sa biglang pumulupot sa kamay ko. Tinignan ko ito at napatalon.
“Ahas?!” gulat na sabi ko. Mas humigpit ang pagkakapulupot nito sa kamay ko. Napatingin ako sa kaliwang bahagi nang nakaramdam ng paggapang ng isa pang ahas papunta sa leeg ko. Hindi ako makahinga sa higpit ng pagpulupot nito. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko para tanggalin ito dahil sa mga ahas na pumipigil sa akin.
Naiiyak na ako sa hirap huminga. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng lalamunan ko at hindi ko ito magalaw kahit kaunti.
Natigilan ako nang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Para bang nangyari na ito dati. Para bang… déjà vu?
“Aaah!” sigaw ko at napabangon. Mabilis akong naghabol ng hininga at napakislot nang may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at nakita si Tobi na nag-aalalang nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo niya ngunit bakas ang pag-alala sa kanya.
“Thank you, Tobi. Okay na ako.” Nginitian ko siya at tumango lang siya bilang sagot. Nagpaalam na siya na babalik na sa pagtulog at ako rin ay muli nang nahiga. Pumikit ako at napahawak sa leeg.
Teka…
Bakit mahapdi ang leeg ko?
Parang… may sumakal.