Tumango ako sa kanya at tinignan muli si Achilles na nasa harap ko. Pagkatapos naming magkasundo an maglalaban kami ay dumiretso na kami rito sa arena na ipinasara para lang sa laban namin. Ang tahimik at malawak na espasyo ay mamayang magiging lugar kung saan ko makakalabang muli si Achilles. Tinitigan ko siya at para bang bumalik ang alaala ko noong una ko siyang nakita. "Sino ka?" ani ng nasa harap ko. Isang matipuno at matikas na lalaki ang nakaharang sa daan ko ngayon. Imbis na sagutin siya ay nilinga ko ang pinanggalingan, takot na nahabol na ako ng mga lalaki. Ang paa ko'y pinaghalong putik at dugo ang bumabalot. Sa pagtakbo ko mula pa kaninang umaga ay may mga nadaanan akong matutulis na lupa at mga kahoy na bumabaon sa talampakan. Ang dulo ng mahabang damit ko ay mula sa

