GABRIELLA'S POV “O, ba’t hindi mo sabihin sa matandang ito kung sino kami sa buhay mo, ha? O, baka naman gusto mo na ako mismo ang magsabi sa dalawang ito ang pagkatao mo,” gagad ni Eva sa akin. “Oo nga naman, Gabriella at nang makilala rin namin kung sino ang mga ito. Saka gumaganda ka na, Ex–fiancée ko, ha? Mukhang tiba–tiba naman kasi itong mga kasama mo. Isang 4 M at isa namang bachelors na mukhang bubuntisin ka lang,” ngisi naman ni Limson dahilan upang tumayo si Sir Vandave. “Hindi ko gusto ang tabas ng dila n’yong dalawa sa asawa ko. Gabriella is my wife at mukhang bagong labas kayo sa mental. Ba’t hindi kayo maghanap ng ka–level ninyo at huwag n’yong guluhin ang asawa ko kung ayaw n’yong magpatawag ako ng pulis! Kaya umalis na kayo! Alis!” pagbabanta ni Sir Vandave. “Asawa?

