GABRIELLA'S POV “Um, Gray, umuwi ka na lang para hindi na magalit si Sir Vandave dahil kilala mo naman siya, at baka magkagulo lang kayong dalawa rito,” bulong ko. “Hayaan mo siyang magalit dahil selos lang ‘yan dahil botong–boto sa akin ang magulang mo. Akala naman niya siguro, porke pinatuloy niya kayo’y okay na siya sa magulang mo,” tugon naman si Gray sa akin. “A–Ano bang sinasabi ng boss mo, Gabriella? A–Anong bahay n’yo ito?” takang tanong naman ni inay sa akin. “Sa kuwarto na ho kayo, Inay, Itay. Pagpasensyahan n'yo na po si Sir Vandave dahil lasing po siya,” depensa ko. “Alam ko, Hija dahil halata sa hitsura niya dahil nakabukas pa ang butones niya, pero maayos naman siyang magsalita,” mahinang wika ni inay sa akin. At magsasalita sana ako nang pumasok naman dito si Ange

