Her POV Sa sobrang higpit ng pagkayapos sa kanya ni Mark ay halos hindi na siya makahinga. Ang akala niya ay naggising na ang binata kaya't sobra ang kaba niya na baka saan na naman mapunta ang pagtangi nito sa kanya. Pumikit na lang siya at hinintay ang susunod nitong gagawin ngunit makailang segundo na ang lumipas ay hindi niya naramdaman ang paggalaw ni Mark sa kanya. Dahan- dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at nilingon agad si Mark sa kanyang tabi na nahimbing na naman sa pagtulog. Napabuntong- hininga siya ng malalim ng mapagtantong ligtas na siya sa mula sa pag-atake na naman muli sa kanya ng binata. Maingat niyang binaklas ang dalawang braso ni Mark na nakayapos sa kanyang katawan. Kumuha siya ng unan sa kanyang ulohan bilang pamalit sa kanyang katawang yapos ni Mark.

