Her POV Tatlong araw na ang nakalipas mula ng makalabas siya sa ospital. Lumiban muna siya sa kumpanya ng dalawang linggo upang magpahinga at magpalakas. Naintindihan naman siya ni Atty. Mendez sa kanyang kalagayan. Ngunit hindi niya sinabi ang totoo na buntis siya. Wala siyang planong ipaalam kaninuman ang sitwasyon niya dahil alam niyang makakarating agad sa kanyang mommy Florinda at Alexis ang balita. Kahit pa alam niyang walang pakialam sa kanya ang kanyang ina at pati si Alexis ay sigurado naman siyang hindi palalampasin ng mga alipores ng mga ito na isumbong sa mga ito ang pagbubuntis niya. Hindi puwedeng malaman ni Alexis na buntis siya. Lalo lang itong magdududa na siya ang ama ang dinadala niya dahil wala naman siyang ibang lalakeng karelasyon o nasiping sa nagdaang mga buwan.

