His POV "I am sorry, Mr. Montemayor, the baby did not make it, excuse me...," bungad ng doktor na tumingin kay Florinda ng maisugod niya ito sa emergency room ng ospital. Hatinggabi at nasa kalagitnaan siya ng pagkahimbing sa pagtulog ng maggising siya sa walang tigil at humpay na pag-iyak ni Florinda sa nadaramang sakit sa puson nito. Akala niya ay binabangungot lang siya. Kung hindi pa niyugyog ni Florinda ang kanyang balikat ay hindi pa talaga siya tuluyang magigising. Sana ay bangungot na lang ang lahat at hindi na siya naggising pa. Napahilot siya sa kanyang sintindo sa kaisipang wala na ang anak nila ni Florinda. Kahit pa hindi ito nabuo sa natural na pamamaraan ay galing pa rin sa kanya ang semilyang nakabuo sa batang isisilang sana ni Florinda. Ilang oras pa lang ang nakakaraa

