"Malungkot yata ang anak ko ngayon, may problema ba, hija?" bati sa kanya ng kanyang daddy isang umaga na nag-aalmusal sila ng mag-ama. Mga dalawang buwan na rin ang nakakaraan ng mangyari ang rejection episode nila ni Alexis.Magmula noon ay ilag na sa kanya ang binata.Ni tingnan siya ay hindi na nito ginagawa. Para bang may nakakahawa siyang sakit na halos hindi siya kayang titigan ni Alexis. Dapat pa nga sana itong magpasalamat sa kanya dahil inalok niya ang kanyang katawan ng walang kahirap hirap sa binata. Siya pa ang nag-initiate na may mangyari sa kanila ngunit ito pa ang nagmamalaking hindian siya at ipamukha sa kanya na mababang klase siyang babae, easy to get at malandi. Mabuti sana sa umpisa pa lang noongg maghubad siya sa harapan ng binata ay tumanggi na ito kaagad.Hindi eh,

