"Kaya mo iyan,Aubrey, go girl!" malakas niyang sabi sa kanyang sarili habang naglalakad papunta sa Office of The Student Council.
Sobra sobra ang kabog ng kanyang puso.Habang papalapit ng papalapit siya sa pakay ay tila naman naghuhumiyaw sa kaba at kilig ang kanyang nararamdaman.
Tumigil siya sandali sa paglalakad sa hallway at pilit na pinapakalma ang sarili.Ipinaypay niya ang dalawang kamay sa sarili dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga.
Ganito siya kung may gustong gusto na maabot at makuha.Pinagpapawisan siya ng sobra sobra.Kahit winisik niya na halos lahat ng laman ng pabango niya ay pakiramdam niya ay ang baho baho niya na agad dahil sa sobrang pawis.
"Remember, Aubrey, what you want, you get, ahhhh...bahala na nga!" pampalakas niya ulit sa sarili.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng kanyang pantalon at bahagyang pinunasan ang noo at ibinalik din agad sa bulsa.
Agad na siyang tumalima at naglakad.Nakita niya naman na maraming mga estudyante ang nakalinya sa labas ng opisina.
Tumakbo na siya palapit dito.Nagtataka man sa anong mayroon, agad din siyang nag-usisa sa huling estudyante sa linya.
"Miss, puwede magtanong, ahhh eh, anong mayroon, bakit ang haba ng linya?" prente niyang sabi.
"Magbobolunter ka rin ba,Miss?" tanong nito.
"What volunteer?" maarte niyang sabi.
"Para sa coming election, kailangan kasi ng partido ni Alexis ng volunteer watchers at magbibigay ng snacks ngayong election," saad pa nito.
"Nope, I am here to talk with my president," malabong iboluntaryo niya ang sarili para sa ganitong aktibidades.
"Naku, mahihirapan kang makausap si Alexis ng personal, iyong magvovolunteer lang ang gusto niyang emeet ngayon. Kaya ako sa iyo, magvolunteer ka na lang tulad namin, I am sure tulad ka rin namin na gustong makita ang ultimate crush ng bayan," mahaba nitong turan.
"Whatever!" wala na nga siyang naggawa at nakipagsiksikan na rin sa linya upang makita si Alexis sa malapitan.
Mabuti na lang at umabot pa siya sa cut-off na 20 volunteers.Nasali pa siya sa listahan.
Nang matapos niyang isulat ang kanyang panglan at iba pang detalye na kinakailangan sa volunteer watcher's form ay agad na siyang pinapasok sa isang silid na palagay niyang session room.
Pagpasok niya sa silid ay halos lahat ng mata ay sa kanya.Prenteng nakaupo na ang labing siyam na mga volunteers at siya na lang ang hinihintay.
"Good afternoon," maikli niyang bati.
"Good afternoon, too, you are?" nakangiting sabi ni Alexis na nakatunghay sandali sa kanya at ibinalik din sa hawak hawak na listahan.
"Aubrey Lacsamana," maarte niyang sabi.
"Oh, I see, you are still a freshman student, are you sure you are willing to help? " tila nahihimigan niya ang pagkawalang tiwala sa kanyang kakayahan mula kay Alexis.
"Oo naman, Mr.President, I volunteer myself here," may pinalidad sa tono ng kanyang sinabi.
Dagli niyang nakita ang pagkaaliw sa mga mata ni Aexis at agad din itong napawi at nagseryoso.
"Okay, Miss Lacsamana, you may take your seat,magsisimula na tayo sa ating meeting," sabi nito na bumalik na sa gitna ng malapad na mesa kung saan napapaibutan na ng mga estudyante na karamihan ay mga babae.
Isang upuan na lang ang bakante at iyon ay ang kabilang dulo ng lamesa kaharap kay Alexis.
Tinungo niya ang bakanteng upuan at umupo paharap kay Alexis.Muling nagtama muli ang kanilang mga mata.
Tila siya nasa alapaap at natulala sa mga maiitim at nangungusap nitong mga mata na nakatitig sa kanya.
Tumikhim ito at nagsimula ng magsalita at inilibot na ang paningin sa lahat ng mga volunteers sa loob ng session room.
Habang si Aubrey ay tinangay na ng imahinasyon nito na natulala na lang na nakatitig kay Alexis.
"Miss Lacsamana, are you still there? I hate lousy and inattentive volunteers, kaya may panahon ka pang magback out!" he hissed upon her na nakabalik sa kanya sa realidad.
"Ah, ehhhh...ah, of course, Mr.President, no, I mean, kaya ko, I am willing to help," nataranta niyang sabi.
"Where are we with our discussions, Miss Lacsamana?" usisa nito sa kanya na seryoso lang ang mukhang ipinukol sa kanya.
Natahimik siya at ibinaba ang tingin. Habang nakakarinig naman siya ng mga bulong bulungan ng mga tao sa loob ng silid.Kinutasan niya ang kanyang sarili dahil hindi sa pagkapahiya.
She is quite sure na pulang-pula na ang kanyang pisngi.But she is Aubrey Lacsamana, wala siyang inuurungan na laban na pinasok niya at agad ding titiklop.
Bago pa man siya makahanap ng sasabihin ay agad na nagsalita si Alexis na lalong nakapababa ng kanyang loob.
"You may go now, Miss Lacsamana, I don't need young, reckless, and irresponsible volunteers here with my team party, makakaalis ka na," seryoso at magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya.
"With all your respect Mr. President, hindi ba puwedeng magkamali ng isang beses, hindi mo pa namang napapatunayang wreckless, irresponsable at yes bata nga ako pero may alam naman, hindi pa puwedeng mabigyan ng second chance? Is daydreaming with you a crime?," she reason out with all her might.
Narinig niya namang naghiyawan ang mga volunteers lalo na ang mga kalalakihan at maging ang mga kababaihan ay napapatili na rin.
"Quiet, please....," maotoridad nitong sabi.
Bigla namang tumalima ang lahat at itinuon na kay Alexis ang atensiyon.
"Fine,Miss Lacsamana! One more chance, so be ready, I will check your performance from time to time!" saad pa ni Alexis na tila may kakaibigang pakahulugan ito sa kanya.
Binigay niya na ang lahat ng kanyang pandinig at konsentrasyon sa mga pinagsasabi ni Alexis sa harapan.
Isinantabi niya muna ang kanyang wild imagination sa kanyang ultimate crush.Patutunayan niyang may kakayahan din siya sa pagtulong kahit sa totoo lang ay ito pa ang kauna-unahang participation niya sa university.
Dahil hindi naman siya mahilig sa pakikisali sa mga activities sa eskwelahan.Mas gusto niya pang gugulin ang panahon sa pagpapaganda at pagkatuto ng mga business strategies sa kumpanya ng kanyang daddy.
But, because, she is obsessed with Mr.President ay paninindigan niya ang kanyang pinasok na kabaliwan.Anong alam niya sa mga gawaing ganito?Tiyak niyang mamomoblema sa kanya ang mga kasamahan niya dito dahil wala siyang alam na gawain.
She is the only princess of Samuel Lacsamana.Sanay siyang inuutos lang ang lahat sa mga katulong.Magkawang-gawa!Naku, wala ito sa kalingkingan niya, ngunit dahil kay Alexis ay tila mapapasubo siya.
Natapos din ang meeting sa kanila ni Alexis.Hindi muna siya umalis sa silid hangga't hindi pa nakakalabas ang lahat.Gusto niyang makausap ng sarilinan si Alexis.
Iba pa rin ang pakiramdam ng makumpleto ang araw niyang makuha ang gusto ang makausap ito ng malapitan.Gusto niyang magnakaw ng halik at tikman ang labi nito.She craves for Alexis and she darn need it now.