HIS POV "Ma, mano po, nasaan po si Florinda?," bungad niya ng makapanhik sa kanilang tahanan. "Kawaan ka ng Diyos anak, nasa silid mo nagpapahinga hijo, mabuti at narito ka na, ipaghahanda ko kayo ng pananghalian," saad din sa kanya ng mama Belinda niya. "Ma, babalik na po kami sa Manila ni Florinda, huwag na po kayong mag-abala pang paghandaan kami ng makakain," may pinalidad niyang wika at saka dumeretso na sa silid niya kung nasaan nga si Florinda. Nagtataka siya kung bakit ginagawa ito ngayon ni Florinda.Ni minsan magmula ng ikasal sila ay hindi pa ito nakakapasok sa silid niya ngayon lang.Ano na naman kaya ang binabalak nito? Hindi pa rin nawawala ang hinanakit niya sa asawa sa pagtatago ng totoong pagkatao nito kung alam niya lang na mag-ina sila ni Aubrey ay hinding-hindi siya

