"Thank you," ang tanging nasabi niya sa waiter ng dulutan siya ng alak sa bar counter ng restaurant ng hotel. Pangatlong gabi niya ng nakacheck-in ngunit wala pa siyang balak umuwi sa probinsiya nila.Wala pa siyang kongkretong plano sa buhay niya ngayong single na siya dahil lahat sana ay plantsado na kasama ang ex niyang si Athena. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang ganito sa kanya.He has high hopes and dreams.Andun na siya sa tugatog ng tagumpay.May mga pakpak na siya upang makalipad at gugustuhing marating pa sa buhay niya. Dapat ay nagbubunyi siya dahil hawak-kamay niya na ang tagumpay.May naghihintay ng trabaho sa kanya sa probinsiya at kahit nasa Pilipinas siya ngayon ay patuloy pa rin siyang kumikita dahilan sa mga freelance jobs niya sa mga foreign consultations ng mga clien

