Her POV Kanina pa siya pinagpapawisan kahit ang lamig lamig naman ng buga ng airconditioner sa loob ng klinika ni Dr. Camilia Ruiz. Ang obgiene na kaibigan pala ni Mark kaya't wala na talaga siyang kawala. "Misis ko, tinawag ka na ba sa loob?," hindi niya namalayang tumabi na pala si Mark sa sofa na kinauupuan niya, galing ito sa labas dahil may biglang tumawag sa telepono nito. "Ahmnn... hindi pa eh!," sagot niya. "I hava an emergency meeting wife, I am sorry gusto ko mang samahan ka sa loob hindi talaga puwede... Anyway, may tiwala naman ako kay Doc Sam, you will be safe with her, just sent my regards to her misis ko. Hindi na ako papasok sa loob,okay?," hinalikan siya nito sa pisngi at pagkatapos ay nagmadali na ding lumabas ng klinika. She felt relieved nang sa wakas ay makaalis n

