Her POV "Ang sakit sakit, Alexis, bakit mo ito ginawa sa akin, ginamit mo lang ako at pinaasa, tapos hindi mo pala kaya akong panindigan,huhuhu," napahagulhol siya sa labis na sakit na nadarama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kadaling bitiwan siya ni Alexis. Pagkatapos ng lahat ng kanilang ligaya at sarap na pinagsamahan at pinagsaluhan ay para na lang siyang walang silbi dito. She felt so used and abused. Mula noon lage na lang siyang inaayawan ni Alexis. Akala niya ngayon totoo na itong umiibig sa kanya. Dama niya ang bawat haplos at halik nito sa kanya ng may halong pagsamba at pagmamahal. Iyon pala ay nagpakatanga na naman siya sa pag-ibig at sa isang lalake pa rin. Dati ay nagpakababa na siya ng alok ng kanyang sarili kay Mr. President pero nungka itong pumatol

