HIS POV "Nak, kausapin muna man iyong asawa mo, hindi ganito na iniiwasan mo siya, kung may problema harapin ninyong dalawa at pag-usapan," unang bungat pa sa kanya ng Mama Belinda niya ng makauwi siya galing sa kapitolyo isang hapon. "Mano po, Ma, ano po ang ulam gutom na gutom na ako?," sabi niya pa na iniiba agad ang usapan. "Kawaan ka ng Diyos anak, mabuti pa nga at sabayan mo iyang asawa mo, siya pa naman ang naghanda ng pagkain natin sa hapunan... Tinding, pakitawag mo nga ang mam Florinda mo sa silid niya, sabihin mo nandito na si gob at sabay na lang daw sila kumain," sabi pa nito sa katulong nila. "Ma naman, hayaan ninyo siyang kumain mag-isa niya baka nagpapahinga na iyon," awat niya sa ina. "Aba'y maghapon iyon abala sa kusina sa pagluluto ng mga paborito mong putahe, ngayo

