"Hold on dad, please huwag kang bumitaw, breath for me dad," usal niya sa ama habang hawak hawak niya ito sa kanyang bisig. Malapit na sila sa ospital ng naghihingalo itong magsalita.Unti-unti ng nagsipatakan ang kanyang mga luha sa pisngi dahil sa matinding pangamba. "I--ii-nga--tan moo saa-ri----li mooo reeey, i- lo-ve youuuu so much, kaa---yooo ng moo-mmmy mo....," sa namamaos at nahihirapang sabi ng kanyang daddy. "Yes, dad, I love you so much too dad...please dad, malapit na tayo, huwag kang bumitaw dad, kaya mo iyan daddy," pampalakas niyang sabi. Tumigil ang kanilang sasakyan at agad na bumaba si Mang Imbo at binuksan ang passenger door at dinaluhan ang kanyang daddy.May nakaabang na rin na hospital bed at mga nurses para dalhin si daddy sa emergency room. Maagap nilang dinaluh

