HER POV "Mam Aubrey, pinapatawag na po kayo ni mam Florinda, handa na po ang dinner," rinig niyang sabi ni Gigi sa labas ng kanyang pinto. Mabuti na lang ay nailock niya ang pinto bago siya pumasok sa banyo upang maligo.Kasalukuyan kasi siyang nagpapatuyo ng kanyang buhok gamit ang blower.Nakasuot lamang siya ng maluwag na t-shirt at maikling shorts gaya ng kanyang nakasanayan. Sinulyapan niya si Alexis na mahimbing ng natutulog sa kama niya. Napabuntong-hininga siya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi.Kung sana ay malaya lamang si Alexis at hindi ito kasal sa kanyang mommy, hindi na nila kailangang magtago ng ganito. "I will be right there Gigi, susunod na ako, salamat," malakas na sambit niya na hindi inantalang magigising si Alexis dahil tiyak niyang tulog mantika na ito dahil pana

