HIS POV "Let's call it a day, Georgie, makakauwi ka na!" sabi niya sa kanyang binabae na executive assistant sa tanggapan niya sa kapitolyo. "Ikaw din gov, uwi ka na sa misis mo, I am sure miss na miss mo na si Ms. Florinda," balik sabi din ito. "Oo nga,Georgie, sinabi mo, hindi na nga ako makapag- intay, excited na nga ko makauwi," nangingiting turan niya ngunit imbes si Florinda ang dapat ang nasa isipan ay mukha ni Aubrey ang nasa kanyang balintataw. "O sige, gov, mauuna na ako, babush!!!" paalam pa ng bekeng si Georgie. Tanggap niya ang kasarian nito. Malawak ang kaisipan niya patungkol sa gender equality. Masinop at maaasahan si Georgie sa kanyang trabaho kung kaya't wala siyang mapipintas na kamalian nito. Para sa kanya pantay- pantay lahat ng tao at dapat ituring ang bawat isa

