"Best wishes and congratulations gob and mam!" bati ng judge matapos ang seremonya ng kasal na ginanap mismo sa tanggapan ng kanyang opisina sa kapitolyo ng Quezon province. Lubos ang kagalakan niyang napapayag niya si Florinda na makasal sa kanya.Naalala niya pang tinanggihan siya ni Florinda noong una niya itong inalok ng kasal.Simula noon dumalang na itong bumisita sa kanilang tahanan at kahit sa kapitolyo. Ngunit noong huling limang buwan lang ay kinailangan nito ang tulong niya dahil isang empleyado nito ang nagscam ng funds ng kumpanya at bilang legal consultant ay siya ang kinausap nitong humawak ng sinampa nitong kaso. Pinangako niya kay Florinda na gagawin niya ang lahat upang maipanalo ang kaso at mabawi ang ninakaw nitong salapi ng kumpanya.Ngunit sa isang kondisyon, kailanga

