"BUTI NAMAN." Ayun na lang ang sinabi niya bilang pagtatapos ng usapan.
Ngumiti ako nang malawak sa kaniya. "Salamat, Zy." Binaling ko naman ang aking paningin sa kasama niyang babae. Katabi niya ito at nakalingkis ang kamay braso niya. "Girlfriend mo?" tanong ko pa kahit obvious naman.
Wala pang kumpirmasyon pero nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdaman ito. Eh, ako naman itong nang-iwan. Hindi dapat pero nasasaktan ako. Mabuti pa siya, naka-moved on na.
Bagay na dapat niyang ginagawa. Hindi ko naman siya puwedeng pigilan na magkagusto sa iba dahil lang sa mahal ko pa rin siya. Dahil unang-una, ako ang bumitaw. Ako ang umalis. Ako ang nang-iwan.
Sinikap kong magmukhang masaya kahit kitang-kita ko kung papaanong tumango siya kasabay ng pag-akbay niya sa babaeng kasama. "Ah—yes. S-she is Jennie, my girlfriend," anito. Matamis ang aking pagkakangiti kay Dara nang lingunin ko ito.
"O-okay," I cleared my throat nang mautal. Tila nga nagbago ang atmosphere sa loob ng kuwarto ko dahil nakatingin lang sila sa amin at tahimik na nanonood. Dahil ayoko ng ganitong pakiramdam, ako na ang bumasag ng katahimik. "So, kuwentuhan naman tayo," pag-iiba ko ng usapan. Tumungo ako sa aking higaan at doon sumalampak. "Masaya akong kumpleto tayo. Pasensya na't wala akong maipapakain sa inyo ngayon, wala pa kasi si Bruno. Kanina ko pa rin hinihintay,"
"Wala 'yon, Scythe. Kaya nga kami nandito para handaan ka, e. May dala kaming mga pagkain," turo ni Tyler sa bilao na nasa mesa.
Kahit ilang beses kong sabihin na masaya ako dahil naririto ang mga kaibigan ko ay mayroon sa loob-loob kong nasasaktan. At batid ko ang dahilan.
Ilang beses ko pang kinumbinsi ang aking sarili na ayos lang ang lahat... na hindi dapat ako magpa-apekto sa nakikita ko, na ayos lang kahit iba ang katabi niya at hindi ako.
Bukod sa narito ako sa hospital ay wala na siyang ibang alam sa akin. Hindi niya alam kung ano ang sakit na nararanasan ko kaya naman, kahit gulat akong makita siyang naririto ay kampante ako dahil alam kong wala ni isa ang nagsabi sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sinabi nila kay Marcus kaya siya naririto ngayon. Dahil ito ang unang beses niyang magpunta rito. At hindi na ako nabigla dahil palagi ko naman siyang hinihintay… palagi akong umaasa na sana bisitahin niya ako rito.
At ito na 'yon. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Pero hindi ko inaasahan na makakasama niya ang babaeng ibinabalita sa akin ni Bruno. Tatlong linggo lang buhat nang manatili ako rito, no'ng mga panahong nasa labas ako at sinusundan siya, akala ko, wala siyang girlfriend. Pero nagkamali ako. Narito siya kasama namin, lumilingkis at nakikipagtawanan sa mga kaibigan namin.
Mukhang masaya naman siya. I should be happy too.
Ilang oras pa kaming nagkuwentuhan, nagkantahan nang mahina at nagkasiyahan. Batid ng mga nurse rito na kailangan ko ng mga kasama kaya kahit limitado lang bisita ay pinapasok nila ang higit sa sampo kong kaibigan.
"Mauuna na kami, Scythe," saad ni Frin at muling humalik sa pisngi ko.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot nang isa-isa silang magpaalam sa akin. Pakiramdam ko'y ilang sandali na lang, mag-isa na naman ako. Hindi kasi sila puwede manatili ng higit sa dalawang oras dahil mayamaya lang ay matatapos na ang visiting hours.
Nang maramdamang lumabas na ang iba naming kaibigan ay siyang pagtulo ng aking luha. Hindi ko sila matingnan habang papaalis dahil ayokong masaktan sa kanilang paglisan.
"Sandali, magsi-CR muna ako, hon," dinig kong paalam ni Jennie sa dati kong nobyo. Nai-angat ko ang paningin sa kanila.
Nandito pa talaga kayong dalawa?
Nilingon naman ako ni Marcud nang may pagtatanong sa kaniyang mukha.
"Nasa kaliwang bahagi bago ang pintuan," saad ko. Mabilis na tumungo si Jennie doon at ibinigay ang bitbit na hand carry bag kay Marcus.
Nanatili kaming tahimik sa kabila ng matagal na paggamit ni Jennie ng comfort room. Ilang minuto na siyang nandoon at nakapagtataka na hindi pa rin siya lumalabas.
Baka masakit pa ang tiyan.
"Katukin mo na sa loob, sa tingin ko'y masyado na siyang matagal doon," pagbabasag ko ng katahimikan.
"O-okay," tipid na aniya saka tumayo sa kinauupuan at tinungo ang daan papuntang banyo. "Hon, matagal ka pa ba?" tanong niya sa nobya kasabay ng pagkatok.
"Sandali na lang, hon! May nakain yata akong kakaiba," sigaw ni Jennie na nasa loob pa rin ng banyo. Nagulat pa ako nang biglang bumaling sa akin ang paningin niya.
Walang sali-salitang naupo siyang muli sa sofa na narito.
"Magpahinga ka na. Pagkalabas ni Jennie ay aalis na rin kami," aniya na hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin.
Nandoon ba ako sa sahig? Hindi pa ako patay pero sa lupa ang tingin niya. Tsk.
Hindi na ako nagsalita. Pakiramdam ko, sa tuwing nagsasalita siya ay gusto niya akong makausap. Ayokong umasa na hanggang ngayon, may epekto pa rin ako sa kaniya. Ayokong ipakita na siya pa rin ang mahal ko hanggang ngayon.
Ilang minuto pa ay lumabas na si Jennie na amoy alcohol. "Sorry, hon. Let's go?"
Agad na tumayo si Phoenix sa upuan atsaka nagpaalam sa akin. "Mauuna na kami," paalam niya at hindi na hinintay ang sasabihin ko, mabilis silang tumalikod sa akin saka maglakad.
Gusto ko siyang pigilan.
Gusto ko siyang hablutin sa babaeng nakalingkis sa kaniyang braso.
Gusto kong magsalita pero ayokong masaktan.
Naging mabagal sa isip ko ang ginawa nilang paglalakad. Sa tuwing hahakbang ang mga paa niya papalayo sa akin ay ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Unti-unting sumikip ang paghinga ko nang tuluyan niyang hawakan ang sedura ng pinto.
"Bam…" wala sa sariling usal ko. At nagulat ako nang makitang nakatingin na sa akin si Marcus maging si Jennie. "Mag-iingat kayo," saad ko habang nakangiti nang matamis sa kanila.
Tipid na ngiti lang ang isinukli sa akin ni Dara habang wala namang ekspresyon ang mukha niya. Kumaway pa ako sa kanila hanggang sa tuluyang magsara ang pinto.
Mag-isa na naman ako…
Ilang linggo na lang ang bibilangin ko, makakalabas din ako rito. At sisiguraduhin kong babalik ka sa akin, Zy.