THIRD PERSON'S POV ANG NAKALIPAS na tatlong linggo ay parang naging tatlong taon para sa iba. Sa tatlong linggo na iyon, marami na ang nangyari at nagbago. Pero may iba pa rin na nananatiling naroon sa panahon bago ang tatlong linggo na lumipas. Isa na roon ang status ng relasyon nila Ainna at Sehun. They are both happy with each other, yes. Pero kung tatanungin kung nagkabalikan na sila? Hindi pa, iyan ang sagot nila. Dahil hindi pa naman talaga. Hindi pa pwede dahil pinagpaplanuhan pa nila kung paano makakaganti sa taong nagpaikot at nanggulo sa relasyon nila. Ngunit hindi pa sila nagsisimula ngayon dahil inuuna pa nila ang pagpapagamot ng kapatid ni Sehun na si Scythe. Pinaghahandaan kasi ng pamilya nila ang pagpapa-chemotherapy ng pangalawang kapatid nito. Ito ang unang beses na mas

