THIRD PERSON'S POV "ICE CREAM?" alok ng boyfriend ni Sceena sa kaniya na si Raven. Sumimangot siya sa tanong nito dahil hindi akma sa panahon ang inaalok nitong pagkain. Oo nga at paborito niya ang ice cream. Kahit anong flavor basta ice cream at nakakain, kinakain niya. Iyon nga lang, nakasilong sila ngayon sa isang convenience store na malapit sa hospital kung saan naka-confine ang kaniyang ate. Inabutan kasi sila nang malakas na ulan habang naglalakad-lakad sila. Sakto namang walang kabahayan at tila parke iyon. Wala silang nasilungan kaya nang makarating sila sa convenience store, basang-basa na ang kanilang mga damit. Maging ang mga gamit sa backpack ni Raven, hindi palampas ng tubig-ulan. Bumahing nang bumahing si Sceena, ginaw na ginaw na kasi siya pero hindi niya masyadong pina

