SCEENA'S POV NAUNA NA kaming umalis ng hospital kasunod ng pag-alis nina mommy at daddy at ni Kuya Bruno nang maihatid namin si Ate Scythe sa private room niya kung saan siya magpapahinga at maghahanda para sa kaniyang chemotherapy. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa ate ko. Alam naming lahat ang risk kapag nagpa-chemotherapy. Ang hindi namin alam, kung ano ang magiging side effect nito sa kaniya. Mababa na ang timbang ng ate ko. Hindi ko na kakayanin kung bumaba pa roon iyon. Nanghihina na rin siya. Hindi na niya minsan kayang kumain nang mag-isa. Good thing, she was always with Kuya Bruno and I am really thankful because we have Kuya Bruno. Hindi kasi pwede sina mommy at daddy na twenty four hours na magbabantay kay ate sa hospital dahil mayroon itong inaasikaso sa supreme cou

