Nagising ako nang makaramdam ako ng pangangalay sa kanang braso ko kaya naman idinilat ko ang aking mata at tiningnan kung sino ang nakaunan sa braso ko at nakita ko ang mukha ni Luna na sobrang labit sa mukha ko. Naaamoy ko ang hininga niya na mabango. 'Bakit gano'n? Ang bango-bango ng hininga ni Luna kahit nakagigising niya pa lang?' Tinaas ko ang kamay ko at nilagya 'yon sa noo ni Luna at laking pasasalamat ko na lang nang makapa ko na medyo mababa na ang lagnat ni Luna. Mukhang hindi ko na siya kailangang dalhin sa hospital.. Bumangon ako at bumaba sa kama na kinahihigaan namin ni Luna. Nakita ko na gumalaw si Luna at ang akala ko ay magigising na siya pero tulog pa rin siya. Ngayon lang nangyari na ako ang unang nagising kay Luna. Pumunta na ako sa banyo upang gawin ang kinaka

