"L-luna," tawag ko sa babaeng ngayon ay naglalakad na palapit sa akin. Maaliwalas ang mukha niya at mukhang hindi naman galit pero napansin ko na habang papalapit siya sa akin ay unti-unting nagsasalubong ang mga kilay niya kaya napalunok bago mapaatras. Galit siya. "What are doing here? Hindi ba at oras pa ng klase niyo ngayon?" tanong agad nito nang makalapit na siya sa akin. Kaya 'eto ako at hindi alam kung saan ibabaling ang paningin dahil sa sobrang kaba ko sa pag-iisip kung anong dahilan ang sasabihi sa kaniya. Handa na sana akong sumagot nang sumali sa amin si Joyce, nakangiti ako kaya muli akong napalunok dahil baka mamaya ay magkasagutan na naman sila ni Luna pero mukhag hindi na nila gagawin ang bagay na 'yon lalo na at mukhang okay na kay Joyce ang lahat. "'Wag ka nang mag

