Ang akala ko no'ng sabado ay pauuwiin na ako ni Luna pero sabi niya ay ro'n na lang ako habang nando'n siya kaya wala akong nagawa kung hindi ang mag-stay sa bahay niya ng dalawang araw.
Nabanggit niya pa ang tungkol kay Joyce at okay lang daw 'yon.
Akala ko ay nagselos na siya.
At ngayon ay papasok na ako sa eskwelahan pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kasama ko sila Recco at Drake na kapwa nakauniporme tulad ng sa akin at ang masaklap pa ro'n ay nang makalayo na kami sa bahay ay pinabitbit nila sa akin ang mga bag nila.
"Hoy, Recco!" tawag ko sa lalaki at humarap naman siya sa akin na may sigarilyo sa bibig.
"Bakit?" tanong niya sa akin at nagbuga ng usok.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko at agad namang nangunot ang noo niya bago itapon ang upos ng sigarilyo.
"Ginagawa namin? Naglalakad?" Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa sagot niya.
Kailan kaya ako makakakuha ng matinong sagot sa tao na 'to?
"Mag-aaral kami dahil 'yon ang gusto namin," sagot ni Drake na kasabay kong naglalakad.
"Wala na kasi kaming gawain kaya naisip namin na mag-aral ulit," humihikab na sagot ni Recco. "Ayaw naman naming tumambay kasama si Luna."
Hindi na lang ako kumibo dahil nakuha ko na rin ang gusto nilang i-point out.
Ang akala ko ay hindi na sila nag-aaral pero inposible namang sa eskwelahan ko lang din sila nag-aaral dati pa dahil hindi pamilyar sa akin ang mga mukha nila nang unang kita ko sa kanila.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan kaming tatlo, sino ba naman ang hindi mapapatingin kung tatlong makikisig na lalaki ang makikita mong naglalakad sa kalsada at syempre nangingibabaw ang ka-g'wapuhan ko.
Nang malapit na kami sa campus ay kinuha na nila Recco ang bag nila sa akin at saka humiwalay kaya naman taka ko silang tiningnan.
Naglalakad sila na parang normal na estudyante lang sila sa eskwelahan namin.
Si Drake ay papunta sa kanang bahagi ng campus at si Recco naman ay sa kaliwang bahagi at ako ay sa gitna.
Baka nando'n ang room nila.
Nagkibit-balikat na lang ako bago magsimulang malakad papuntang library, balak kong manghiram libro.
Malapit na ang exam namin at wala pa rin akong perang pambayad sa tuition, hindi ako makakapag-take ng exam kung hindi ako bayad sa tuition.
Napapabuntong hininga na lang ako sa tuwing naiisip ang bagay na 'yon, sumasakit ang ulo ko sa tuwing naiisip ang bagay na 'yon, second year college pa lang ako pero parang hindi ko na kaya ang gastusin.
Ngayon na wala pa akong trabaho, hindi ko talaga alam kung saan ako kukuha ng pera.
Ang ipinagtataka ko na lang kung bakit kahit na wala akong trabaho ay parang hindi nauubusan ng laman ang ref ko, hindi rin napuputol ang tubit at kuryente ko at ang isa pa, bakit hindi naniningil ng renta ng bahay si Aling Lourdes kahit na alam ko ay ngayong araw ang bayaran !no'n.
Napahawak ako sa aking bibig nang may isang bagay akong mapagtanto, wala ako sa bahay. Si Luna lang ang tanging nando'n at kung sakali mang pumunta ro'n si Aling Lourdes ay si Luna na lang ang maaabutan niya at kapag nangyari ang bagay na 'yon... Panibagong utang na naman ang magiging utang ko kay Luna.
Nakakahiya na ang ginagawa ni Luna na pagbabayad ng mga utang at gastusin ko.
Ano ba talaga ang kailangan kong gawin para lang makabayad sa kaniya?
'I can't give her a child, I can't. I really cna't.'
Kung magpakaasawa na lang ako kay Luna?
Gagawin ko rin ang mga bagay na ginagawa nang mga lalaki na may asawa na, ipagluluto sa umaga ng hotdog at itlog, ipaglalaba, ipaglilinis ng bahay at ipaghuhugas ng mga plato.
Napansin ko rin simula nang dumating si Luna ay parang hindi na ako nakakilos sa bahay, hindi ko na nagawa ang paglinis ng bahay dahil pati 'yon ay ginawa na ni Luna.
Pumasok ako sa library at agad na bumungad sa akin ang librarian na magkasalubong ang mga kilay at nakalukot ang mukha kaya nagulat ako at bahagyang napaatras dahil sa hitsura nito.
'Ano na naman ang problema nito? Sino na naman ang kaaway niya!?'
Kahit na medyo kabado ay yumuko ako rito at naglakad papunta sa book shelves na nasa harap ko.
Alam ko na bawal pa akong pumunta rito pero kailangan ko ng libro.
Naglakad ako habang hinahanap ang libro na kakailanganin ko.
"Taxation..." bulong ko sa sarili ko.
I need to find the taxation book.
"Taxation— 'yon." Aabutin ko na sana ang libro na balak kong hiramin nang may isang kamay na ang mauna ro'n.
Tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon at biglang nag-init ang mukha ko nang makita ko si Cheska sa mismong harap ko.
"Ahh, kailangan mo rin?" maamong tanong nito sa akin at para bang dinuduyan ako sa langit dahil sa kaniyang boses.
"N-no, you can have it," sabi ko rito at inayos ang pagkakasuot ng bag.
"Are you sure?" tanong niya sa akin kaya naman tumango ako sa kaniya bilang sagot sa kaniyang tanong.
"Yes, I can find another one," ani ko habang may maliit na ngiti sa aking labi.
"Okay, thank you." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at makipag-hand shake. "I need to go, see you around." Kumaway pa ito sa akin kaya gano'n din ang ginawa ko at nang mawala na siya sa paningin ko ay inamoy ko ang kamay ko at ang bango nito, hindi dahil sa amoy ng kamay ni Cheska dahil sa pabango na nahawakan ko sa k'warto ko kanina.
Alam ko na kay Luna 'yon dahil wala na.an akong gano'ng pabango na binili o ginagamit pero hindi ko inakala na ganito katagal kumapit ang pabango niya.
Muli kong sinulyapan ang dinaanan ni Cheska, si Cheska ay isang campus crush at marami nang humahanga sa kaniyang gandang tinataglay at isa na ako ro'n.
"Kenan, who is she?" Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Recco sa likod ko.
Kanina pa ba siya nandito!?
At saka kailan siya napunta rito!?
"Recco!?" tanong ko rito.
"Shhh!" Narinig ko ang boses ng librarian.
"Anong ginagawa mo rito?" bulong ko.
"Naghahanap ako ng interesadong libro pero mas interesado ang nakita ko," aniya at nginisihan ako bago pabirong itulak sa balikat. "Ang ganda no'n, halatang hindi ka magugustuhan," dugtong niya pa kaya napasimangot ako sa sinabi niya.
Pasmado talaga ang bunganga ni Recco kahit na kailan.
"Ang totoo niyan ay hinahanap talaga kita," sambit niya bago isuot sa tainga ang isang daliri at kalikutin ito at pati ako ay napapangiwi sa kaniyang ginagawa.
"Bakit naman?" tanong ko rito.
"Pinapasabi ni Luna na p'wede ka naman daw mambabae pero 'wag ka lang papahuli sa kaniya," sabi niya na nakapaglataas ng kilay ko.
Ako? Mambababae? Saan naman niya napulot ang bagay na 'yon?
"'Yon lang, alis na ako. Tinamad na akong magbasa," sabi niyang muli bago ako lagpasan at iwa sa library.
Nailing na lang ako dahil sa sinabi ni Recco.
Mukha bang magagawa kong mambabae kung alam ko na may dyablo na naghihintay sa akin sa bahay?
Umalis na lang din ako sa library dahil malapit na magsimula ang klase namin.
Habang naglalakad ay palinga-linga ako at hinahanap si Joyc dahil hindi ko pa siya nakikita simula kanina.
Gusto ko sanang humingi ulit ng pasensya dahil sa naging lakad namin no'ng nakaraan, sa tuwing magkakasama kami ay lagi na lang sumisingit si Luna.
Hinahanap ko si Joyce sa bawat hallway na madaraanan ko papunta sa clasroom namin pero hanggang sa makarating ako sa room namin ay hindi ko man lang nakita kahit na anino ni Joyce.
Wala pa kaya siya?
Nasanay lang ako na sa tuwing umaga ay nakasalubong na siya sa akin at kinukulit ako.
Lumapit ako sa isnag ka-blockmates ko upang magtanong.
"Freed," tawag ko sa lalaking nasa harap ko at tamad naman siyang tumingin sa akin.
"Anong problema mo?" tanong nito sa akin kaya sinabi ko na ang pakay ko.
"Nakita mo ba si Joyce?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, 'yong girlfriend mo?"
"She's not my girlfriend!" saad ko at napangisi naman siya nang dahil do'n.
"Nakita ko siya, kasama si Six," simpleng sagot nito kaya napatango ako.
"Sige, salamat," sabi ko bago tumalikod at umupo sa upuan ko.
Kasama niya si Six.
She's with her ex again.
Akala ko ay ayaw na niyang makita ang ex-boyfriend niya na 'yon?
Now, she's with him again.
'Pero malay natin, closure ang gusto nila.'
Inalis ko muna ang mga bagay na 'yan sa aking isipan at mas minabuti na lang na ikondisyon ang utak dahil may mga quiz kami na sasagutan ngayong araw.
Pero bago ako nagsimulang mag-focus ay muli kong inangat ang kamay ko at inamoy ulit ito.
Nakakaadik ang amoy at mas maaadik pa sigurado ako kapag naamoy ko na ito mismo kay Luna.