Bakit ang ingay at ang gulo? Nasaan na naman ako? Tumingin ako sa likuran ko at malawak na karagatan ang sumalubong sa akin pero napansin ko ang naglalakihang alon na humahampas sa barko na sinasakyan namin kaya agad akong nabahala lalo na nang maramdaman ko na para bang masyadong malikot ang barko. May narinig akong sigawan sa hindi kalayuan kung saan ako nakatayo ngayon kaya agad akong napatingin sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigawan na 'yon. Nakita ko ang mga tao ay nagkakagulo. Nagtatakbuhan at nagsisigawan na tila nagpa-panic sila kaya naman nagtaka ako sa kung ano'ng nangyayari ngayon sa paligid ko. Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan silang lahat. Tila takot na takot ang kanilang mga hitsura habang nagtatakbuhan sila. "Mister, ano'ng nangyayari sa loob?" tanon

