Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising upang ipaghanda na ng makakain si Kenan at para makausap ko na rin siya tungkol sa pag-alis namin mamaya nila Drake. Hindi ko siya nakausap kagabi dahil nakatulog siya agad dahil mukhang pagod na pagod siya galing eskwelahan. Nabanggit nila Recco na naglaro sila ng basketball kaya naman pagod si Kenan nang makauwi sila kahpon. Napailing na lang ako bago hanguin ang niluluto kong hotdog para sa ulam na lulutuin ko. Napatingin ako bigla sa pinto nang magbukas ito at pumasok si Kenjie na pupungay-pungay pa ang mga mata kaya bumagsak ang balikat ko sa pag-aakalang si Kenan na ang pumasok. "Luna?" tawag nito sa akin kaya tinanguan ko siya bago balikan ang niluluto kong pagkain. Mas magandang mas maaga kong makausap si Kenan para mamaya ay wala na k

