Umalis na sila Brain at hindi talaga kami pumayag na hindi niya isasama sila Recco. Sila na lang ang pinasama ko at naiwan na lang ako rito sa hotel na pinagdalhan sa akin nila Recco pero bago sila umalis ay hindi rin sila pumayag na ako lang ang mag-isa rito kaya ngayon ay naglalakad kaming dalawa ni Kenjie papunta sa room kung saan muna ako titira. Tiningnan ko si Kenjie at muling nagtanong. "Sigurado ka ba na ayaw mong sumama sa kanila? kung ako kasi ang tatanungin ay kaya ko naman ang sarili ko," sabi rito at bahagya naman siyang natawa ng dahil do'n. Inakbayan niya ako ka muntik na akong masubsob nang dahil sa bigat ng kaniyang kamay. "Okay lang naman sa akin kahit na maiwan ako rito, isa pa ay wala talaga akong hilig sa pakikipag-away," sagot nito kaya palihim akong napapairap n

