KENAN's POV Nagising ako at natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa sofa kaya bigla akong napabangon dahil sa huling pagkakatanda ko ay nakaupo ako sa upuan sa lamesa kaya paano akong napunta rito? Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa sala ako sa baba. Napahawak ako sa ulo ko bago mapansandal sa sofa at pilitin na alalahanin ang huli kong naaalalang nangyari kanina. Kumakain ako kanina- hindi, pianglalaruan at nakatitig lang ako sa pagkain kanina habang si Luna ay patuloy sa pagkuk'wento tungkol sa nakaraan niya no'ng bigla akong makaramdam ng hilo at sakit ng ulo. Nakita ko na naman ang mga taong lagi kong nakikita sa isip ko sa tuwing magkakagano'n ako pero sa pagkakataon na 'to ay iba dahil medyo malinaw na ang mga malalabong larawan ng mga tao sa alaala ko at nar

